You are on page 1of 28

Aralin 1

Sa eskalang 1 10, 1 bilang pinakamababa at 10 bilang pinakamataas, paano mo tatayain ang hilig mo sa pagbabasa? Bakit?
Ano ngayon ang pagbasa, para sa iyo?

Kung hindi mo mahal ang isang tao, huwag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka niya.

Kapag

hindi ka mahal ng taong mahal mo, huwag kang magreklamo. Kasi, may mga tao ring mahal ka pero hindi mo mahal. Kaya quits lang.

Hindi

porket madalas mong kachat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o katext nang wantusawa, e, may gusto sa iyo at magkakatuluyan kayo. Mayroon lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.

Alam

mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao kapag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap uli ang taong tinalikuran mo.

Ang

pag-ibig, parang imburnalnakakatakot mahulogat kapag nahulog ka, its either by accident o talagang tanga ka.

Kahulugan ng Pagbasa
Ayon

sa International Reading Association, ang pagbasa ay ang pagkuha ng kahulugan mula sa nakatalang mga titik o simbolo na nangangailangan ng mga sumusunod:

Kahulugan ng Pagbasa
Paglinang at pagpapanatili ng kawilihan sa pagbasa; 2. Paggamit ng estratehiya upang makuha ang kahulugan ng teksto; 3. Sapat na kaalaman (prior knowledge) at bokabularyo na tutulong sa pag-unawa ng teksto;
1.

Kahulugan ng Pagbasa
4. Kakayahan sa mataas na pagbabasa; 5. Istilong gagamitin upang maunawaan ang mga salitang di pamilyar; 6. Kakayahang umunawa ng nakatalang mga salita batay sa tunog o pagbigkas ng mga ito.

Mga Hakbang sa Pagbasa Ayon kay William Gray

1. Persepsyon ito ang hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo, maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbolong nababasa.

Mga Hakbang sa Pagbasa Ayon kay William Gray

2. Komprehensyon ito ang pagpoproseso sa isip ng diwa o kahulugan ng tekstong nababasa na nagbubunga ng pag-unawa.

Mga Hakbang sa Pagbasa Ayon kay William Gray

3. Reaksyon Ditoy hinahatulan o pinagpapasyahan ang kawastuhan, kahusayan at pagpapahalaga ng isang tekstong nabasa.

Mga Hakbang sa Pagbasa Ayon kay William Gray

4. Asimilasyon Ditoy isinasama at iniuugnay ang kaisipang nabasa sa dati nang kaalaman o karanasan.

Mga Teorya sa Pagbasa


Teoryang Bottom-Up Ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa yugto-yugtong pagkilala ng mga titik sa salita, parirala at pangungusap bago pa man ang pagpapakahulugan sa buong teksto (teksto mambabasa).

Mga Teorya sa Pagbasa


Teoryang Top-Down Ang kahulugan ay nagsisimula sa mambabasa patungo sa teksto. Ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang dati nang kaalaman at mga konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa mga karanasan at pananaw sa paligid.

Mga Teorya sa Pagbasa


Teoryang Interaktib Ang teksto ay kumakatawan sa wika at kaisipan ng awtor at sa pag-unawa nito, ang isang mambabasa ay gumagamit ng kanyang kaalaman sa wika at ng sariling mga konsepto o kaisipan (bi-directional).

Mga Teorya sa Pagbasa


Teoryang Iskima Bago pa man basahin ng isang mambabasa ang teksto, siya ay may taglay nang ideya sa nilalaman ng teksto mula sa kanyang iskima sa paksa. Maaaring binabasa na lamang niya ang teksto upang patunayan kung ang kanyang hinuha ay tama, kulang o dapat baguhin.

Mga Teorya sa Pagbasa


Teoryang Metakognisyon Ito ang pagkakaroon ng kaalaman upang maunawaan, makontrol at magamit nang wasto ang mga kaalamang ito (Tei at Stewart, 1985).

Mga Teorya sa Pagbasa


Teoryang Metakognisyon Bakit magbabasa? 2. Anong uri ng teksto ang babasahin naglalarawan, nagpapaliwanag o nangangatwiran? 3. Bakit isinulat ng manunulat ang kanyang teksto? 4.Ano ang susunod na mangyayari sa binabasa?
1.

Mga Uri ng Pagbasa


Skimming Mabilis na pagdaan ng mga mata sa teksto upang makuha ang punong ideya nito o ang mga importanteng impormasyon. Hal., pagbasa ng balita, madaliang pagrerebyu ng mga aralin, atbp.

Mga Uri ng Pagbasa


Scanning Mabilisang pagtingin sa teksto upang hanapin ang isang tiyak na impormasyon o detalye. Hal., pagkuha ng pangalan at telepono sa direktoryo, paghanap ng isang tiyak na aklat mula sa hilera ng mga babasahin, atbp.

Mga Uri ng Pagbasa


Ekstensibong Pagbabasa Pagbabasang ibat ibang teksto upang makabuo ng mas komprehensibong kaalaman. Hal., pananaliksik-papel, ulat, mapanuring sanaysay

Mga Uri ng Pagbasa


Intensibong Pagbabasa Ito ang malaliman at masusing pagbabasa ng teksto upang lubos na maunawaan ang mga impormasyong taglay nito.

Pagsubok Blg. 1
Sumulat ng isang di pormal na sanaysay tungkol sa iyong paboritong pagkain. Maaaring itoy maging mamahaling putahe sa isang fine dining restaurant o simpleng tiglilimampisong one-day old sa Dapitan.

Pagsubok Blg. 1
Ang sanaysay ay may haba lang dapat na isang pahina at tatlong bahagi (panimula, katawan, wakas). May kalakip din ito dapat na isang larawan. Maaaring talakayin ang mga sangkap ng pagkain, saan ito mabibili, lasa, dulot sa kalusugan, karanasang ipinadadama sa iyo, atbp.

Pagsubok Blg. 1
I-upload ang mga gawa sa blogspot site na nilikha para sa inyong seksyon na matatagpuan sa URL na: Ang username ay: Ang password ay:

Pagsubok Blg. 1
Ipatalastas ito sa mga kakilala upang mabasa nila. May 10 komento dapat kada entry. Iwawasto ang mga entry sa Nobyembre 21, 2010, Linggo.

You might also like