Professional Documents
Culture Documents
Kaligirang pangkasaysayan ng paksang napili Sanhi ng pagpili ng paksa at ang kahalagahan nito Saklaw ng pag-aaral sa paksang pagtutuunan ng pag-aaral
B. Paglalahad ng Suliranin
Kinapapalooban ng pangkalahatang suliranin ng paksang pag-aaralan at ang mga tiyak na katanungang kailanangan masagot
C. Kahalagahan ng Pag-aaral
Tinatalakay sa bahaging ito ang kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon at siyensya
Binabanggit din kung sino ang makikinabang at ang posibleng implikasyon ng pag-aaral na gagawin sa mga taong tinutukoy na makikinabang
C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa pagmumulat ng kaisipan at magsisilbing gabay ng mga mag-aaral , mga guro, administrador at tagapagplano ng kurikulum tungo sa higit na makabuluhan at kapakipakinabang na pagtuturo at pagkatuto.
Malaking kapakinabangan para sa mga mag-aaral ang pag-aaral na ito dahil higit na matutugunan ang kanilang pangangailangan tungo sa mabisa at makabuluhang pagkatuto.
Ang pag-aaral na ito ay makatutulong ng malaki sa mga guro upang malunasan ang mga balakid na dulot ng pagkakaroon ng negatibong saloobin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Filipino na siyang humahadlanng sa mabisa at makabuluhang pagkatuto ng kanyang mga mag-aaral. Ang resulta ng pag-aaral ay magiginng gabay niya sa pagpili ng mga tenik at istratehiya upang lalong mapagbuti ang pagtuturo. Magiging patnubay ang pag-aaral na ito ng mga administrador ng paaralan upang higit na maging maingnat at matalino sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga programa at gawaing maaaring makaimpluwensya sa makabuluhang pagkatuto at level ng performans ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Magsisilbing gabay ng mga tagapalano ng kurikulum ang resulta ng pag-aaral na ito sa pagbabalangkas ng makabuluhang kurikulum para sa kabataang Pilipino at mapapanumbalik at mapapasigla sa interes at pagpapahalaga ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng wikang Filipino.
D. BATAYANG KONSEPTWAL Ang pag-aaral na ito ay binuo sa pamamagitan ng balangkas na ipinapakita sa Dayagram 1.
BATAYANG LAYUNIN
GURO
SULIRANIN
MAG-AARAL
MABISA
KP
MODYUL
evalwasyon
Konseptwal na Balangkas
Binigyang pansin ng mananaliksik ang mga batayang teorya at layunin ng bagong kurikulum o BEC Filipino upang matiyak na makatutulong ang kanyang pag-aaral sa pagtugon sa mga pangunahing suliranin at pangangailangan ng mga guro at mag-aaral tungo sa mabilis, mabisa at makabuluhang pagkatuto. Nagsilbing batayan ng mananaliksik ang prinsipyo ni David Nunan (1991), na sa kagamitang panturong bubuuin kinakailangan na malinaw na naiuugnay ang klasrum at reyalidad ng mundo. Sa pamamagitan ng modyul, nagiging independent sa paggawa ang mga mag-aaral at nabibigyan ng pokus ang responsibilidad sa proseso ng pagkatuto. Binigyang diin niya ang mabubuting naidudulot ng modyul sa mga mag-aaral; (1) natutukoy ang pangangailangan ng mga mag-aaral, (2) maaaring gamitin ng mga mag-aaral na may ibat ibang level ng pag-iisip, (3) ang mga layunin ng pagkatuto ay malinaw na nakalahad. Binigyang halaga rin ng mananaliksik sa pagbuo ng modyul ang siklo ni Francis Jhonson (1975), sa pagdedevelop ng KP na binubuo ng apat na siklo, (1) Disenyo, (2) development, (3) evalwasyon at (4) pagrerebisa upang matiyak ang kabisan ng bawat modyul.
Ipinakikita sa bahaging ito ang lawak ng sakop ng ginagawang pagaaral.Ipinaaalam din ang mismong paksa gayundin ang katatagpuan ng mga datos na kakailanganin.
E. SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL Saklaw ng pag-aaral na ito na matukoy at masuri ang mga salik na nakakaapekto sa saloobin ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Filipino. Ang pag-aaral ay bubuuin ng apatnapung ( 40 ) mag-aaral sa ikatlong antas ng Imus Institute, Hayskul Department
Depinisyong Konseptwal
Tumutukoy ito sa mga depinisyon na matatagpuan sa mga diksyunaryo o talatinigan Itoy akademiko o unibersal na kahulugan na ibinibigay sa salita o grupo ng mga salita Itoy kahulugan na nauunawaan ng maraming tao at karaniwang mas abstrak o mahirap unawain at mas pormal kaysa sa depinisyong operasyunal
Depinisyong Operasyunal
Itoy tumutukoy sa tiyak na paraan o kahulugang ginamit sa iyong pag-aaral
Kung gumagamit sa iyong pag-aaral ng instrument na susukat sa interes, ang iyong depinisyon ng interes ay ibabatay sa kung ano ang sinusukat ng pagsusulit Ang depinisyon ang siyang nag-oopereyt o gumagalaw sa iyong imbestigasyon
KABANATA II MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga babasahin na may kinalaman sa ginagawang pag-aaral. Nagbibigay rin ng higit na malinaw na kaalaman ang mga literatura at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik na ang motibo ay madagdagan ang kaalaman ng mga mambabasa, lalo na ang mga kasama sa bahaging Kahalagahan ng Pag-aaral.
KABANATA 2 :
Kabanata 3 :
Pamamaraan o Metodolohiya
3.1 Kalahok sa Pag-aaral
Ang mga kalahok sa na gagamitin sa pag-aaral ay dapat tiyakin at ang pangkat o populasyon na kinabibilangan ng mga ito. Ang paraan ng pagpili ay dapat ding ilahad o ilarawan.
Sampling
Ang proseso na kinapapalooban ng pagkuha ng bahagi ng populasyon, paggawa ng obserbasyon sa kinatawang grupo at ang paglalahat ng mga resulta sa mas malaking populasyon Tumutukoy ito sa mga istratehiya para makapili ng maliit na grupo mula sa malaking grupo at pagkatapos ay gamitin ang maliit na grupong ito para makagawa ng paghuhusga tungkol sa malaking grupo
Mungkahi ( Gay )
1. Palarawang Pananaliksik sampung porsyento ng pananaliksik. Para sa mas maliit na populasyon ang minimum na 20 porsiyento ay maaaaring kailanganin 2. Pag-uugnay na Pananaliksik ( Correlational Research ) 15 kalahok bawat grupo 3. Eksperimental na Pananaliksik 15 kalahok bawat grupo
2. Sistematikong Sampling
Isang istratehiya sa pagpili ng mga miyembro ng sampol na nagpapahintulot lamang na tsansa at isang sistema ang tumiyak o tumukoy sa pagsapi sa sampol
na kung saan ang : k ay tumutukoy sa sampling interval N ay ang kabuuang bilang ng populasyon n ay bilang ng sample mula sa populasyon
3. Stratified Sampling
Isang istratehiya ng pagpili ng sampol sa paraan na ang mga tiyak na subgroup ay magkakaroon ng sapat na bilang ng mga kinatawan sa loob ng sample para makapagbigay ng bilang na sample sa sub-analysis ng mga miyembro ng mga maliliit na grupo
4. Sampling na Klaster
Pumipili ng mga miyembro ng iyong sample nang pa-klaster kaysa gumamit ng hiwalay na mga indibidwal
2. Non-probability Sampling 2.1 Sampling na may layunin 2.2 Convience sampling 2.3 Quota sampling 2.3 Snowball sampling
Kabanata 3 :
Pamamaraan o Metodolohiya
3.2 Intrumento ng Pananaliksik Lahat ng instrumento na gagamitin sa pagkuha ng datos mula sa mga kalahok ay ipaliwanag nang detalyado at ibigay ang rasyunal sa paggamit ng mga ito
3.2.1 Talatanungan
Open-ended na talatanungan Close-ended na talatanungan
2. Ipakilala ang instrumento sa panimulang bahagi, ipaliwanag kung sino ang nangangalap ng datos at bakit. Ilahad din kung bakit nararapat makibahagi sa gawain at ang pagpapanatili ng konpidensyalidad ng mga impormasyong makakalap.
3. Itakda sa introduksyon ang inaasahang haba ng panahong ilalaan ng kalahok upang matapos ang sarbey.
2.2 Semantic differential scale 1 napakahirap 2 medyo mahirap 3 hindi mahirap o madali / katamtaman 4 medyo madali 5 madali
BSN 11 March 12 ( 30 minute / pangkat ) 10 presentasyon 20 - pagtatanong 1. Narvaez 2. Camero 3. Dionela 4. Abrugar 5. Gatdula 6. Velasquez