You are on page 1of 20

ANG PAMUMUHAY

NG MGA PILIPINO SA
PANAHON NG MGA
ESPANYOL

Mary Ann Co Tan
2014-01163-MN-0
BPS 1-1
Ika-17 ng Agosto, 2014
Pangkabuhayan
1. MONOPOLYO NG TABAKO

itinatag ito ni Jose Basco y Vargas noong ika- 1 ng
Nobyembre 1782

Layunin: upang madagdagan ang kita ng pamahalaan at ng
di na umaasa pa sa Mexico

may multa ang mga magsasakang hindi makatupad sa
itinakdang aanihin.

sa Maynila, dinadala ang mga dahon ng tabako

nakilala ang Pilipinas na pangunahing tagagawa ng tabako
sa alin mang bansa sa Silangan.



Monopolyo ng Tabako
mabuting epekto:
-ang pamahalan ay nakapagpagawa ng
kalsada, gusali, tulay at nakapagpalagay ng
karagdagang ilaw sa mga bayan

di mabuting epekto:
-bumaba ang produksyon ng pagkain

umabot sa hari ang katiwaliang bunga ng
monopolyo kaya ipinatigil ito at tuluyang nahinto
sa panahon ni Gobernador Primo de Rivera
taong 1882.

Monopolyo ng Tabako

2. ANG KALAKALANG GALYON

nakilalang Kalakalang Maynila-Acapulco
malaki ang halagang kinikita sa kalakalan subalit hindi
lahat ay nabigyan ng pagkakataon para lumahok.

Mga kasali sa Kalakalang Galyon:
1. gobernador-heneral
2. mga prayle
3. miyembro ng Royal Audencia
4. mga inulila ng mga Kastila
5. mga kaibigan ng mga opisyal

upang sila ay makalahok sa kalakalang Galyon,
kailangan nilang bumili ng boleta




Ang Kalakalang Galyon

boleta- tawag sa tiket para makakuha ng puwesto sa
loob ng galyon para sa kanilang mga kalakal.

magandang epekto:
-dahil sa kalakalang Galyon umunlad ang Maynila
-malaking kita ng pamahalaan ay nakadagdag sa
pananalapi ng bansa

hindi gaanong mabuting epekto ng Kalakalang Galyon:
-napabayaan ang pamamahala sa mga lalawigan
at pagpapaunlad ng pagsasaka at ang iba pang industriya
-nakaranas ang mga tao ng kakulangan sa pagkain

Dahil sa katiwalian at pang-aabusong naganap sa
kalakalang galyon, kaya binuwag ito ni Haring Ferdinand
VII noong 1813.




Ang Kalakalang Galyon
3. ANG POLO

pinairal ng sapilitan ang patakarang polo y servicio sa
Pilipinas

pinilit ang lahat ng mga kalalakihang may gulang na 16
hanggang 60 na maglingkod sa pamahalaan sa loob na 40
araw sa isang taon

polista- tawag sa mga kalahok sa polo

kailangan silang gumawa ng mga daan, gusali, simbahan
at tulay

nagtratrabaho ng walang tigil at walang pahinga

ang mga maykaya ay hinahayaang magbayad ng falla o
multa sa halip na magtrabaho.


Sapilitang Paggawa o
Polo y Servicios


Noong una, ang mga polista ay inaabot ng 40 araw sa
paggawa subalit binabaan at ginawang 15 araw noong
1884.

hindi magandang epekto:
-napabayaan ang mga pananim sapagkat
-ipinadadala sila sa malalayong lugar para
magtrabaho
-napalayo sila sa kanilang mga mahal sa buhay na
umaasa sa kanila upang mabuhay
-naging sanhi ng pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa
mga Espanyol


Sapilitang Paggawa o
Polo y Servicios
4. ANG BANDALA

sapilitang pagbibili sa pamahalaan ng mga
produkto pansakahan

upang madagdagan at lumaki ang kita ng
pamahalaan nagtakda ito ng kota ng produktong
kailangang ipagbili ng mamamayan

hindi magandang epekto:

-binibili ng pamahalaan ang mga ani ng mga
magsasaka sa murang halaga

-inuutang pa ng pamahalaan ang produkto na
madalas ay hindi na rin nababayaran



Ang Bandala o Sapilitang
Pagbili ng mga Produkto

5. ANG TRIBUTO
ang mga mamamayan ay kailangang
magbigay ng buwis

sa simula ,walong reales o isang piso ang
hinihingi sa bawat pamilya at kalahating real
naman sa walang asawa ngunit nasa hustong
edad

itinaas ito at naging sampung reales noong at
labindalawang reales.

pinalitan ang tributo ng sedula noong 1885 at
pinagbayad ang mga may edad 18 pataas.

Ang Tributo o Ang
Sapilitang Pagbubuwis

mga taong maaaring di magbayad ng tributo:
1. Kastilang dito nakatira sa Pilipinas
2. mga prayle
3. mga inulila ng mga opisyales na Kastila
4. mga cabeza de barangay
5. Principalia
6. mga tapat na katutubong sundalo
7. mga matatandang may edad na animnapu (60).

ang nakukolektang pera ay ginagamit sa mga proyekto ng
pamahalaan tulad ng pagtatayo ng simbahan, paaralan,
gusali at iba pa

maaaring mabayaran ang tributo sa pamamagitan ng salapi
o produkto

ngunit kapag marami ang ani, binababaan ng presyo at
pinipilit ang mga tao na magbayad ng salapi. Dahil sa di
makatarungang paniningil ng buwis, nag-alsa ang mga
Pilipino laban sa mga Kastila


Ang Tributo o Ang
Sapilitang Pagbubuwis
6. OBRAS PIAS

pondong kaloob ng mga mayayamang tao sa mga
relihiyosong orden

inilalaan para sa gawaing pagkakawanggawa sa mga
sumusunod:
1. ospital
2. edukasyon
3. pangangalaga sa mga may kapansanan,
mahihirap at kapuspalad

nagsilbing bangko komersyal ng mga negosyante

ipinautang ng mga prayle ang mga salapi at kumita ng
malaking interes

dumating ang panahon at naubos ang pondo. Di-
nakabayad ng pagkakautang ang mga negosyante dahil sa
pagkalugi sa mga lumulubog at nawawalang galyon.





Obras Pias
7. Ang Real Compania de Felipinas

Ika-10 ng Marso 1785 nang itatag ang Real
Compania de Felipinas.

lumabas ito sa panunungkulan ni Gobernador-
Heneral Basco.

Layunin ng Espanya na maitaguyod ang kalakalan
nito sa Pilipinas at malinang ang likas na yaman ng
kolonya.

Ang Kompanya ay naging kakumpetensya ng
Kalakalang Galyon na nang nagtagal ay nabuwag
din dahil sa di- mabuting pamamalakal sa
kompanya.



Ang Real Compania
de Felipinas
Pampulitika
Ang Pamahalaang Sentralisado

Ang kapangyarihan ng pamahalaan ay
nagmumula sa pamahalaang pambansa.

Sakop nito ang buong kapuluan at nasa
pangangasiwa nito ang lalawigan, lungsod,
munisipyo at barangay at lahat ng may
kaugnayan sa kapakanan at ng buong
kapuluan.
Ang Pamahalaang
Sentralisado
Ang Gobernador heneral:

pinakamataas na pinuno na hinirang ng hari ng Espanya
upang mamuno sa kolonya.

pangulo ng Real Audencia o ang kataas-taasang
Hukuman ng Pilipinas.

maaari niyang ipagpaliban ang pagpapatupad ng
batas kung sa akala niya ay di napapanahon para sa
Pilipinas. Tinatawag itong cumplase.

Vice Real Patron-titulo din ng gobernador heneral bilang
pinakamataas na kinatawan ng hari ng Espanya na may
titulong Real Patron.

upang maiwasan ang pagmamalabis ng gbernador
heneral, isinasagawa ang imbestigasyong tinatawag na
residencia.



Ang Gobernador Heneral
Visitador-isang opisyal ng pamahalaan ng Espanya na
ipinadadala sa kolonya upang siyasatin ang paraan ng
pamamahala nito.

Pamahalaang Lokal

Barangay - pinakamaliit na pamahalaang lokal
- pinamumunuan ng cabeza de barangay

Cabeza de barangay - dating datu o galing sa hanay ng mga
cacique

Tungkulin ng cabeza de barangay:
-nangungolekta ng buwis
-naghahanap ng polista
-tagapamayapa
-walang sahod, ngunit kapalit ng kanyang paglilingkod ay
hindi siya pinagbabayad ng buwis at hindi kailangang
magtrabaho

Ang Visitador at Ang Cabeza
de barangay
Bayan o pueblo - ang pinuno ay ang gobernadorcillo
- galing sa hanay ng cacique
- hinahalal siya mula sa mga principales
- maliit ang sahod ngunit ang katungkulan
ay simbolo ng mataas na antas sa lipunan

Tungkulin ng gobernadorcillo:
-naghahanda para sa rehistro ng mamamayan
-pagkalap ng kalalakihan para sa polo
-nagsisilbing hukom sa kasong sibil
-tagapamahala ng koreo ng bayan



Ang Pueblo at Ang
Gobernadorcillo
Ang Sistema ng Pamahalaang Panlalawigan
Encomienda - simula ng lalawigan sa kapuluan
- galing sa salitang Espanyol na encomendar
ibig sabihin ay ipagkatiwala
- ipinagkatiwala ng hari sa isang opisyal na
tinatawag na encomiendero ang lupaing
nasakop at ang mga katutubong nakatira
roon.
Tungkulin ng encomiendero:
-ituro ang kulturang Espanyol
-ipaunawa at ituro ang Katolisismo
-mangulekta ng buwis

naging mapang-abuso ang encomiendero kaya binuwag ito at
pinalitan ng alcaldia

Alcaldia o pook na payapa - pinamumunuan ng alcalde mayor



Ang Sistema ng
Pamahalaang Panlalawigan
hinihirang ng gobernador heneral

Tungkulin:
- mangolekta ng buwis
- magpasya tungkol sa mga kaso
- nagpapagawa ng tulay o kalsada

Corregimiento o lalawigang may nagaganap na
kaguluhan o labanan -pinamumunuan ng corregidor

Ayuntamiento - pamahalaang itinatag para sa mga
lungsod
- pinamumunuan ng cabildo (binubuo ng
alcalde, regidores at iba pa)

Ang Sistema ng
Pamahalaang Panlalawigan

You might also like