You are on page 1of 15

Paraan ng Pamamahala

Ang ating bansa ay may sarili nang


paraan ng pamamahala at masasabing
maayos na kalagayang panlipunan noon
pa man. Hindi nga lamang ito nakilala
kaagad dahil pampamayanan lamang ang
sistemang umiiral noon. Ibig sabihin nito,
sa bawat lugar o tribo ay may kanikaniyang sistema at walang pambansang
pamhalaang matatawag.

Kilalanin rin natin ang mga


kasingkahulugan
ng
mga
sumusunod na mga salita sa
kahon upang higit na maging
madali
para
sa
ating
maunawaan ang araling ito.

batas

alituntunin
ng
kagandahang-asal o pamantayang
kinikilala at sinusunod sa isang
komunidad na ipinatutupad ng mga
namumuno rito.
teritoryo- lawak ng lupang pagaari ng isang pamahalaan o
mamamayan

tagapagbatas

kapangyarihang
ng
pinunong
gumawa o lumikha ng batas na
makakatulong sa kaunlaran ang
mga nagawang batas.
tagahukom- kapangyarihan ng
pinunong maglitis o humatol sa

Ang
Barangay

Ayon sa kasaysayan, may isang bangkang Malay na


dumating sa Pilipinas. Balangay ang tawag sa bangkang
ito. May paniniwalang sa bangkang ito sumakay ang mga
unang taong nakarating sa ating bansa. Sinasabi na ang
bangka ay nakakapagsakay ng 60-90 katao. Sakay ng
bangka ang isang pamilyang binubuo ng mga magulang,
mga anak, kamag anak, at mga alipin. Pumili sila ng
panahanan sa kapuluan at nagsimulang magtatag ng isang
lipunan.

Balangay

Mula sa lipunang ito natatag ang


isang uri ng pamahalaan na
tinawag nilang barangay.

Barangay ang tawag sa


pamahalaan ng mga unang Pilipino.

Sa kalagayang panlipunan ng mga unang


Pilipino, ang bawat barangay ay may sarili
at malayang pamamahala kayat walang
matatawag na hari o pinakapinuno ng
lipunan. Ang bawat barangay ay may kanikaniayang pinuno at batas na umiiral.

Datu ang tawag sa


pinuno ng
barangay.
Raja o Lakan
naman ang
namumuno sa higit

Ang datu ang nagsisilbing tagapagbatas,


tagapagpaganap at tagahukom.
Siya rin ang itinuturing na punong militar sa
pamayanan.
Katulong ng datu ang matatandang kasapi
ng barangay.

Sa pagpili ng datu, tinitignan ang lakas,


tapang, at tatag ng loob ng isang tao upang
matiyak ang kakayahan nitong ipagtanggol ang
kanyang barangay sa mga kaaway.
Ang pagiging datu ay maaaring mamana.
Kapag ang datu ay namatay na walang anak na
babae o lalaki, ang mga tao sa barangay ang
pipili ng bagon datu ngunit siya ay dapat na.

pinakamayaman,
pinakamakisig,
pinakamatapang, at pinakamatalino.

Sapagkat ang datu ang pinakamataas,


iginagalang siya ng lahat. Makakaasa siya sa
paglilingkod ng mga alagad sa panahon ng
digmaan, paglalayag, pagbubungkal ng
lupa, pangingisda at paglalayag.

Magkahalong lupit at kabutihan ang uri ng


pamamahala ng datu. Dahil sa kanyang
kapangyarihan, maaari niyang ipatapon ang isang
alagad o kunin ang ari-arian nito. Sa kabilang
dako, nagpapamalas din siya ng kabaitan at
pakikipagkapwa sa mga nasasakupan. Lagi niyang
ipindarama sa kanyang mga alagad ang
kahalagahan ng pagtulungan at pagkakaisa.

You might also like