You are on page 1of 42

TEKSTONG

EKSPOSITO
RI

TEKSTONG
EKSPOSITORI
bunga ng pagpapahayag na
ang layunin ay gumawa ng
malinaw, sapat at walang
kinikilingang pagpapaliwanag
sa ano mang bagay na
nasasaklaw ang isip ng tao

HULWARAN NG MGA
ORGANISASYON NG TEKSTO
I. DEFINISYON
Isang
uri ng diskursong
ekspositori
na
pinakamadalas
gamitin. Maaaring maibigay ang
kahulugan ng isang bagay o salita
sa tulong ng ibang salitang
kasingkahulugan nito.

Halimbawa:
Itim Pagdadalamhati
Pula Katapangan
Luha Kasayahan o kalungkutan

Maaari ring magbigay-kahulugan sa


isang salita tulad ng:
1. ibibigay
ang
pangkat
na
kinabibilangan nito
2. ang ikinaiiba nito sa mga
kasamahan
sa
pangkat
na
kinabibilangan,
maaari
ring
sundan ito ng mga halimbawa

Halimbawa:
Ano ang paglalahad?
Ang paglalahad ay isang anyo
ng pagpapayhayag, pasalita o
pasulat, na nagpapaliwanag. Ilang
uri ng paglalahad ay tala, balita,
pitak,
editoryal,
panuto
at
sanaysay.

Sa
pagbibigay
ng
definisyon, tinatalakay din
ang isang bagay o paksa,
kasama
ang
mga
pagkakatulad o pagkakaiba
nito sa ibang bagay.

Maaaring ito ay pormal o dipormal.


1. PORMAL O MAANYO
1.1 salita o katawan (term)
1.2 pangat na kinabibiangan
o
kaurian (genre)
1.3 kaibahan (difference)

Halimbawa:
Ang kasal (salita) ay isang
sakramentong
(kaurian)
nagbubuklod sa dalawang pusong
nagmamahalan (kaibahan).

2. DI-PORMAL O MALAYA
Nagbibigay kahulugan sa
paggamit ng mga salitang
nakapukaw ng damdamin
at
hindi
tuwirang
sumusunod sa kaayusan
ng pangungusap sa pormal
na pamaraan.

Halimbawa:
Ang
kasal
ay
bunga
ng
pagmamahalan
ng
dalawang
pusong umiibig sa isat isa na
dumaan sa maraming oras ng
pagliligawan bilang pangako ng
lalaki sa babae.

DIMENSYON NG
DEFINISYON
1. DENOTASYON
Karaniwang kahulugang dala ng
diksyunaryo o salitang ginagamit
sa pinakakaraniwan at simpleng
pahayag.
Halimbawa: Berde ang kanyang
damit.

2. KONOTASYON
Di-tuwiran
ang
kahulugan.
Nagkakaroon
ng
ikalawang
kahulugan ang salita o pahayag.
Sinasabi rin na ito ay pansariling
kahulugan ng isang tao.
Halimbawa: Berde ang utak niya.

II. PAG-IISA-ISA
(ENUMERASYON)
Pag-aayos ng mga detalye ayon
sa pagkakasunud-sunod, mula
simula hanggang huli.
Halimbawa: Isa-isahin ang mga
hakbang sa pagbasa ayon kay
William S. Gray.

Pag-iisa-isa: Mga Hakbang sa


Pagbasa ayon kay Gray
1.
2.
3.
4.

Rekognisyon o Persepsyon
Komprehensyon
Reaksyon
Aplikasyon/Integrasyon

III. PAGSUSUNUD-SUNOD
Nabibigyan ng pagtataya o
ebalwasyon ng isang mambabasa
kung alam niya kung paano
pagsusunud-sunurin
ang
mahahalagang pangyayari sa isang
kwento,
paano
nagkakasunudsunod ang mga dapat gawin sa
isang bagay, paano magluto ng
isang pagkain, o pagsunod nang
maayos sa isang direksyon.

URI NG PAGSUSUNUDSUNOD
1. Sekwensyal
2. Kronolohikal
3. Prosejural

SEKWENSYAL
Pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari sa isang kwento,
nobela,
talambuhay,
dula,
balita at iba na hahantong sa
isang kongklusyon .

Karaniwang ginagamitan ito


ng
mga
salitang
una,
pangalawa,
pangatlo,
susunod
at
iba
pa.
Karaniwang ginagamit ang
sekwensyal
kung
mga
pangyayari
ang
pinagsusunud-sunod,
tulad
ng mga kwento, balita at iba

Halimbawa: Maikling-kwento, Ang


Kalupi ni Benjamin Pascual.
1. Pagpunta ni Aling Marta sa
palengke upang mamili ng mga
ihahanda sa pagtatapos sa
haiskul ng anak na babae.
2. Pagkabunggo ng isang batang
patpatin at gusgusin kay Aling
Marta.

3. Pagkawala ng kalupi ni Aling


Marta.
4. Paghahanap ni Aling Marta sa
batang nakabunggo sa kanya at
ito ang pinagdududahan niyang
kumuha ng kalupi.
5. Pagkakita at pananakit sa
batang gusgusin at pilit niyang
ipinalalabas ang nawawalang
kalupi.

6. Pagdating ng pulis at pagtakas


ng bata sa mahigpit na
pagkakahawak ni Aling Marta.
7. Pagkabundol sa bata na naging
sanhi ng kamatayan nito.
8. Pag-uwi ni Aling Marta at
natuklasan niyang hindi nawalan
ang kalupi kundi naiwan sa bahay.

Mapapansin
na
sa
pagkakasunud-sunod
ng
mga
pangyayari
ay
mahahalagang
aksyon lamang ang pinagsusunudsunod. Kailangang magkakaugnay
ang bawat pangyayari upang
malinaw na masundan ito ng isang
mambabasa.

Ayon nga sa obserbasyon ng


ilang mananaliksik sa larangan ng
pagbasa,
kapag
maayos
na
mapagsusunud-sunod ang mga
pangyayari sa isang binasang
teksto, madali ng makapagsusulat
ng buod o lagom.

KRONOLOHIKAL
Pagsusunud-sunod ng mga
impormasyon
at
mahahalagang
pangyayari
ayon sa kung kailan nangyari
ito.

Payak na halimbawa nito


ay ang kasaysayan ng isang
bansa
o
mahahalagang
pangyayari
sa
mundo.
Karaniwang ito ay may petsa
gaya ng tiyak na araw at
taon upang malaman kung
kailan
nangyari
ang
kasaysayan.

PROSEJURAL
Ang
pagsusunud-sunod
ay
prosejural kung may hakbang o
prosesong isasagawa. Maaaring
ito ay kung paano gawin ang isang
bagay, pagluluto, at pagsunod sa
direksyon.

IV. PAGHAHAMBING AT
PAGKOKONTRAST
Ginagamit sa pagpapahayag,
mga kahigitan o kalamangan ng
isang bagay sa iba ang hulwarang
paghahambing at pagkokontrast.

Halimbawa:
Dating Panatang Makabayan
Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako ay kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya at
kapakipakinabang
Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng
aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking
paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang
mamamayang makabayan at masunurin sa
batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang
walang pag-iimbot at nang buong
katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na
Pilipino sa isip, sa salita, at sa gawa.

Bagong Panatang Makabayan


Iniibig ko ang Pilipinas,
aking lupang sinilangan,
tahanan ng aking lahi;
kinukupkop ako at tinutulungang
maging malakas, masipag, at
marangal.
Dahil mahal ko ang Pilipinas,
diringgin ko ang payo ng aking mga
magulang,
susundin ko ang tuntunin ng paaralan,
tutuparin ko ang tungkulin ng
mamamayang makabayan;
naglilingkod, nag-aaral, at nagdarasal
nang buong katapatan.
Iaalay ko ang aking buhay, pangarap,
pagsisikap sa bansang Pilipinas

Sa hulwarang ito, maaaring


gumamit ng graphic organizer
tulad ng mga sumusunod:
Venn
Diagram

Payak
Habi

na

V. PROBLEMA AT SOLUSYON
Isang normal na pangyayari
ang pagkakaroon ng problema
sa buhay at kasunod naman
ang
pagbibigay
dito
ng
solusyon.

Sa isang tekstong binasa lalo


nat
kung
ito
ay
akdang
pampanitikan, umiikot ang kwento
sa tinatawag na tungkulin o
suliranin patungo sa resolusyon o
kakalasan kung saan binibigyan ng
kalutasan ang naging problema sa
kwento.

Sa
isang
maikling-kwentong
mababasa,
nakatutulong
nang
malaki upang ang problema o
suliranin ng kwento ay madaling
malaman dahil sa ang ilang
magkakaugnay na pangyayari ay
nagkakaroon nang unti-unting pagunlad patungo sa kakalasan o
resolusyon nito.

Ang resolusyon ang elementong


nagbibigay
ng
kalutasan
sa
problema
o suliranin ng isang
kwento.
Halimbawa:
1. Tagpuan
Palengke
Tahanan nina Aling Marta

2. Tauhan
Aling Marta
Batang gusgusin
3. Tunggalian o Suliranin
pagkawala ng kalupi ni Aling Marta
4. Kasukdulan
Pagkakita ni Aling Marta sa batang
gusgusin at pilit na pinaaamin na
siya ang kumuha ng kalupi.
Nasagasaan ang bata at namatay.

5. Kakalasan o Resolusyon
Natuklasan ni Aling Marta na
naiwan pala niya ang kanyang
kalupi sa bahay nila at hindi ito
nawawala.
6. Kawakasan
Nahimatay si Aling Marta nang
malaman niyang hindi pala nawala
ang kalupi niya, na dahil dito ay
namatay ang batang gusgusin na
pinag bintangan niya.

VI. SANHI AT BUNGA


Ang sanhi ay isang ideya o
pangyayari
na
maaaring
humantong sa isang bunga.
Sanhi

pangyayari
Bunga

pangyayari

dahilan
epekto

ng
dulot

isang
ng

Halimbawa:
Sanhi: Hindi siya nag-aral ng
mabuti sa Sipnayan.
Bunga: Bumagsak siya sa
Sipnayan.

Tandaan na hindi sa lahat


ng pagkakataon ay nauuna
ang sanhi kaysa bunga.
Isipin lagi ang ganito: Anong
ideya o pangyayari ang
unang naganap (sanhi)? Ano
ang kinalabasan (bunga)?

May mga palatandaang


salita na dapat alamin sa
pangungusap/pahayag ng
sanhi at bunga. Ang mga
salitang ito ay ang kaya,
dahil sa, nang, buhat at iba
pa.

FIL 2 PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA


PANANALIKSIK
Godinez, Kristine Camille C.
BSNA 3A
Miyerkules (1:30-3:00) at Biyernes (3:00-4:30)
Jocson, Villafuerte, Alcaraz & Lorimar Publishing Co.,
Inc. (2005). Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Pananaliksik. Adriana Printing Co., Inc.: Quezon City,
Philippines

You might also like