You are on page 1of 17

FILIPINO: WIKA NG

KARUNUNGAN
Ni Pat V. Villafuerte

Kaytaas ng lambak, burol at


bundok na nilalandas ng ating
mga kababayan
Mula sa kaitaasan, ibinababa ang
paningin
Upang masilayan ang ganda ng
kalikasan
Kayrami ng taniman, karagatan at
kagubatang kinukuhanan ng pagagdong-buhay, panlunas sa
sikmurang kumakalam-kalam

Kaylawak ng dagat na
namamagitan sa mga isla ng
ating kapuluan
Nilalangoy mula puno hanggang
dulo, mula doon hanggang dito
Kay yaman ng kulturang
pinayaman ng ating mga ninuno,
Sinamba ng dating henerasyon
sinusunod ng mga bagong sibol

Kayrami ng wikang
lumalaganap at
pinalalaganap sa bawat
pulo, sa bawat distrito, sa
bawat lungsod, sa bawat
rehiyon
Wikang pinayayaman ,
pinayayabong, pinauunlad
panghabang panahon,

Kung ang alinmang wikay


instrumento sa mabisang
pakikipagtalastasan
Kung ang alinmang wikay
susi sa mabuting pakikipagugnayan at pagkakaunawaan
Kung ang alinmang wikay
tugon sa pambansang
kaisahan at kaunlaran

Mas naisin nating gamitin ang


wikang sinusuyot minamahal, ang
wikang filipino
Wikang panlahat na tatanglaw sa
aking dinaraanan
upang hindi tayo mangamba
upang hindi tayo matakot
Upang hindi tayo maligaw
Ito ang wikang filipino
Ang wika ng karunungan

isang wikang ilaw na


tatanglaw sa ating mga
mithiin at pangarap
Sa maraming pagbabago na
ating iniisip at ibinabalangkas
Isang wikang lakas sa ating
mga kilos at galaw na lulunas
sa kahirapan, kagutuman,
kamangmangan, katiwalian at
kawalan ng katarungan

Isang wikang panlahat sa


nagsusulong sa maraming
pagbabago
Sa lipunan at sa bayan
Sa bayan at sa lipunan
Upang maghari ang
kaisahan, katarungan,
kalayaan, kadakilaan at
pagkapantay-pantay para
sa pambansang kamalayan,

Filipino ang wikang


karunungan
Ang wikang panlahat
Nakaugat sa pambansang
pagkakakilanlan
Nakaangat sa politika at
lipunan

Filipino ang wika ng


karunungan
Ang wikang panlahat
Nakapanday sa kulturat
kasaysayan
Nakahubog sa dangal ng
bayan
Nakalantad sa kalakasan at
katagumpayan

Filipino ang wika ng karunungan


Ang wikang panlahat
Na kumikilala sa anumang edad, lahi at
kasarian
Anumang antas ng pamumuhay
Anumang pananalig kinaaaniban
Anumang politikang kinabibilangan
Anumang antas ng karunungan
Walang pagkiling, walang pag ayaw
Tanggap ng mga mamamayang may
respetot integridad, may puri at

Filipino, ang wika ng karunungan


Ang wikang panlahat
Wikang pambansa, wikang opsyonal,
wikang akademiko, wikang
pampanitikan, wikang bilinggwal,
wikang multilingguwal, wikang
mother tounge, wikang dayalekto,
wikang kolokyal, wikang balbal?
Unang wika , pangalawang wika?
Lingua francang may handog-yaman.

Filipino, ang wika ng


karunungan
Ang wikang panlahat
Ilaw at lakas
Sa pagtuklas ng agham
Sa paggalugad ng
kasaysayan
Sa paghanap ng bilang
Sa paghubog ng gawi at

Sa paghatid ng komunikasyong
berbal at di berbal
Sa paglaganap ng makrong
kasanayan
Filipino, ang wika ng karunungan
Ang wikang panlahat
Sa panahon ng pagbabago sa
politikang nakagisnan
Sa panahong itinatakwil at itinataboy
ang bisyot kasamaan

Sa panahong may parusa ang


mga nangulimbat sa bayan
Sa panahong sa atin ang
inaangking mayamang karagatan
Para sa atin ang dikreto
Para sa atin ang batas
Para sa atin ang pandaigdigang
kahatulan.

Filipino ang wika ng


karunungan
Ang wikang panlahat
Sa panahong ang hinihingiy
pambansang pagbabago
Filipino ang uungos sa
larangang pangkabuhayan
Filipino ang aangat sa
larangan ng teknolohiyat
pang agham
Filipino ang lalawig sa

Filipino ang tutugon sa


minimithing kalayaan at
katarungan upang
palawakin ang minimithing
pambansang kaunlaran.

You might also like