You are on page 1of 32

Liwanagan Mo,

Hesus
(Arnel dC Aquino, SJ)
Masdan natin ang
ating daigdig:
Ginawang tahanan ng
D'yos nating mahal.
Ngunit sa pagdaan ng
maraming panahon,
Nabalungan ng
kadiliman at nauhaw
sa pagmamahal.
Damhin natin ang
kalooban: Ginawang
himlayan ng Diyos
nating mahal.
Ngunit sa pagsapit ng
sigwa at tag-init sa
ating buhay,
Nawalan ng malay at
nanlamig sa pag-ibig.
Liwanagan Mo, Hesus,
ang aming buhay!
Yakapin Mo ang 'Yong
bayan, sa 'Yo'y
naghahanap.
Ang matalinhagang
ilaw Mo't pagmamahal,
Pumapawi ng
karimlan.
Liwanagan Mo, Hesus,
ang aming buhay!
Ipakita Mo ang 'Yong
mukha at kami'y
maliligtas.
Kapayapaan at dangal
isinag Mo,
At maninibago ang
wangis ng Iyong
mundo
Ang tawag ni Hesus,
pakinggan.
Isabuhay natin mithi
ng Kaharian.
Magpawi ng gutom, sa
uhaw magpainom,
Sa nasugatan ay
magpahilom, sa
maysala,
magpatawad.
Liwanagan Mo, Hesus,
ang aming buhay!
Yakapin Mo ang 'Yong
bayan, sa 'Yo'y
naghahanap.
Ang matalinhagang
ilaw Mo't pagmamahal,
Pumapawi ng
karimlan.
Liwanagan Mo, Hesus,
ang aming buhay!
Ipakita Mo ang 'Yong
mukha at kami'y
maliligtas.
Kapayapaan at dangal
isinag Mo,
At maninibago ang
wangis ng Iyong
mundo
Kaharian ng Maykapal
sumasaatin na
Sa pamamagitan ni
Hesus!
Liwanagan Mo, Hesus,
ang aming buhay!
Yakapin Mo ang 'Yong
bayan, sa 'Yo'y
naghahanap.
Ang matalinhagang
ilaw Mo't pagmamahal,
Pumapawi ng
karimlan.
Liwanagan Mo, Hesus,
ang aming buhay!
Ipakita Mo ang 'Yong
mukha at kami'y
maliligtas.
Kapayapaan at dangal
isinag Mo,
At maninibago ang
wangis ng Iyong
mundo

You might also like