You are on page 1of 55

Mga Duguang Plakard

ni Rogelio G. Mangahas
Sino si Rogelio G. Mangahas?
Ipinanganak noong Mayo 9, 1939 sa Cabiao, Nueva Ecija.

Kuyang Roger ang karaniwang tawag sa kanya.

Isa siyang makata, editor, tagasalin, at propesor.

Asawa niya ang batikang manunulat at propesor na si Fe B.


Mangahas.

Kabilang siya sa Tungkong-bato ng Panulaang Makabago


noong dekada 60 kasama sina Lamberto Antonio at Virgilio
Almario.

Pinagkalooban ng Komisyon sa Wikang Filipino ang Gawad


Dangal ni Balagtas noong 30 Marso 2015 sa Orion Elementary
School, Orion, Bataan.
Tatlong matipunong aklat ng kanyang karera:
Manlilikha: Mga Piling Tula 1961-1967
Mga Duguang Plakard at iba pang tula (1971)
Gagamba sa Uhay: Kalipunan ng mga Haiku (2006)

Hindi maitatangging ang naging kakaunting pagtula niya ang


higit pang nagpatalim at nagpakisig sa kanyang panulaang
matitiyak na may maingat na pinagnilayang paglalatha.
Lamberto T. Antonio, Virgilio S. Almario,
Rogelio G. Mangahas.
Bakit naisulat ang
Mga Duguang Plakard?
Mendiola Massacre!
tinatawag na Labanan sa Mendiola, First Quarter Storm o
Sigaw ng Unang Sikapat
Isa sa pinaka madugong nangyaring demonstrasyon sa
kasaysayan ng Pilipinas.
Ang mga estudyante ay nagkaroon ng sunod-sunod na
demonstrasyon laban sa pagtaas ng matrikula at ibang bayarin
ngunit di naglaon ay humihiling ng mga reporma sa pamahalaan.
Ang mga estudyante ay nagtungo sa Malacanang at
nagsipaghagis ng pillbox at mga sariling gawang bomba sa
palasyo.
Nagdulot ng pagkamatay ng apat na demonstrador at maraming
nasugatan.
Pinangunahan ni Edgar Jopson ng National Union of
Students of the Philippines at ni Porcia Ilagan ng
National Students League.
Kumakatawan sa mabigat na pagdidili ng makata hinggil sa
mga nakababagabag na pangyayari sa kanyang paligid.

Bilang pagpupugay para sa mga rebolusyonaryong


demonstrador na nabuwal sa karimlan ng Enero 30, 1970 sa
Tulay ng Mendiola.

Ang mahabang tula ay hindi lamang panambitan para sa


mga nasawi; isa itong panaghoy para sa rimarim na dalawang
taon lamang ang lilipas ay sasagpangin na ang buong bayan.
Hindi na maiiwasan ang paglalarawan ng mga kaguluhan
at bagabag sa lipunan nang panahong iyon. Bilang
kasaping tagapagtatag ng PAKSA (Panulat Para sa
Kaunlaran ng Sambayanan), at gurong kasapi sa
KAGUMA (Katipunan ng mga Gurong Makabayan), tila
dumadaloy na sa aking dugo at kamalayan ang
pangangailangang pakikisangkot sa kilusang makamasa.
Nakita ko sa aking isip ang ilang alusyon sa ilang muhon
ng ating panitikan at kasaysayan. Naramdaman ko na
lamang na tatapatan ko ng mahahabang tula ang gayong
makabuluhang mga pangyayari gamit ang bagong estetika
at paglalantad ng napapanahong mga isyu sa
pamamagitan ng simbolismo upang magabayan ang
mambabasa sa makabagong estetika, at gayundin-
makatulong sa pagpapasigla ng kritisismo sa panulaan
nang panahong iyon.
- Rogelio G. Mangahas
Presentasyon ng Akda
I
Bawat plakard ng dugoy isang kasaysayan.
Isang kasaysayan sa loob ng mga kasaysayan.
Mga kasaysayan sa loob ng isang kasaysayan.
Kangina pa namimigat, kangina pa kumikinig
ang ating mga palad, wariy mga
munting bungong may kutsilyong nakatarak.
Sa look ng kurdon,
tayoy tila mga tupang halos katnig-katnig,
magkahiramang-hininga, magkapalitang-pawis.
Bawat ngitis duguang balahibo
ng isang martines na walang mahapunan.
May dilang namimigat sa pangil ng tigre,
may dilang kumikisig sa abo ng dahon,
may dilang tusuk-tusok ng tinik ng suha,
ay, kampilang bungi-bungi sa lalamunan
ng isang lalaking sumusuntok sa ulap
sa tanghaway ng unat na bato!
II
Sa labas: isang lura, isang pukol ang layo,
mata sa mata,
anot tila kumikisay ang mga bituing
nakatusok sa mga balikat? Mga ngitiy
nakatahing paruparo sa pawisang mga manggas.
Kaytikas ng ating mga pastol.
Namimigat ang berdeng mga ulo,
ang huberong mga ulo, ang kuping mga ulo.
Nagsisipagningning ang mga batuta, baril,
kalasag, holster. Bakit mangangambang
maluray ng hangin? Mga leong
walang buntot naman ang ating mga pastol.
III
Hagupit ng hangin sa sanga,
hagupit ng sanga sa hangin!
Kumakalapak sa mga duguang plakard,
bumabarimbaw sa mga ulo natin.
Kumakalatik sa hubero, kuping, at berdeng
mga uloO, kumpas ng hinaing, ng pagtutol,
ng pagsumpa, habang yaong mga dahoy
sabay-sabay, sunod-sunod sa pagbagsak.
Ang hangiy tumitiling papalayo,
Ang sangang nalagasay waring di na
nakayuko.
IV
Itaas ang mga plakard, ang pulang watawat,
ang mga kartelon. Sa loob ng kurdon, sa loob.
Hayaan na munang humingalay ang Dayaming-
Bayani sa ilalim ng baog na puno.
Hintayin na munang matigib ng dighay
ang tiyan ng Kuweba. Hindi magtatagal,
sa paglabas ng Buwayang Maharlika
kasunod ang mga klerigong bangaw,
mga banal na uwak at buwitre: gisingin
ang Dayaming-Bayani, gisingin
at hayaang sabihing Amigo
no lo comas todo, dejame algo.
At siya, sa gayon, ay ating
paligiran, ngitian, pagpugayan, sindihan!
Mga kababayan,
kung pagtitig sa atin ng Buwayang Maharlika
ay kumikislap-kislap sa luha ang kanyang
mga mata, habang nakanganga,
sinuman sa atiy malayang mangarap,
mangarap ng muling paghimlay
sa sinapupunan ng ating ina;
sinuman sa atiy malayang mag-alay,
mag-alay ng sarili, kapatid, magulang;
o magnasang makakita ng bungangang
walang dila, walang tonsil, walang pangil.
Kusutin ang diwa, mga kababayan,
kusutin, kusutin.
V
Naranasan ko nang maghingalo
sa paningin ng mga babae,
malungkot sa harap ng mga kagandahan,
magpaa sa abril ng mga tumana,
humanga sa mukha ng mga kamatayan.
Ngayong nakaurong ang mga anino,
at waring dinudurog namin ang sariling
mga ulo: unti-unti, ang araw sa hangin
ay tila nagtutubig sa aking paligid;
unti-unti, akoy lumulubog,
nag-iisang lumulubog sa malalim,
madilim na sulok ng tila swimingpul.
Nakatayong nakatungo, nakatungo.
Sa itaas, sa paligid,
habang yaong mga tunog, tagtag, tinig
ay mga aninong walang anyo lamang
mula sa aking katawan, ilong, bibig,
ang mga gunitay kasama ng mga bulang
bumubulubok sa ibabaw.
VI
Pinapapak ko
isang gabi ang pakwang-hapon
sa langit.
Di ko maubos-ubos.
Habang akoy nabubusog, akoy tila
isang batang nangangarap ng duyan,
ng kandungan, ng kumot. Bigla akoy
napaigtad sa bingit ng kamalayan.
Mula sa munting bintanang tinakasan
ng ligaw na alitaptap, ang buwan
ay isang duguang espading na nakatarak
sa tiyan ng isang nakadipa,
nakalutang na halimaw.
Hindi ako makatulog
Sa naroong kalapitan at naritong kalayuan
niyong mga nayon, bundok, gubat, parang,
lungsod, ay nadarama ko ang mga
mahiwagang kulusan.
Hindi ako makatulog.
May espading na tila ba sa bungo ko
nakatusok.
VII
Kinabukasan ng kinabukasan sa kinabukasan,
ay, anot dadalitin ang lamparang durog
sa gitna ng katanghalian?
Sa ating pagdaraan, paghahanap,
may pustisong mga ngiping kikislap sa bahay.
may mga paninging mamamaybay sa lumot
ng pader,
may mga paang mag-uurong-sulong
sa harap ng itim na pusa sa may punong
hagdan.
VIII
Kumakantang metro.
Iwanang nakaturok ang herenggilya
sa kanyang sintido, wala pang sampagitang
luray-luray, nagdurugo sa harapan ng kumbento.
Kumakantang metro.
May ngiting katulad ng bungo,
magpaparangalan ng kanyang bunsong mga luslos:
adilus patira adorada, region del tor querida!
Kumakantang metro.
Huwag nang ligaligin ang ubanin sa bupete:
Di pa lahat ay may ulong may sipol ng bapor,
may usok ng tsimnit may riles ng tren.
Kumakantang metro, kumakanta.
O lamparang may upod na mitsa.
IX
Tara, kung gayon.
Magdala ng mga plakard na may dugong-liryo.
Itayo sa kanto. Hintaying dumating
ang mga alitangya, tipaklong , atitap.
Kaibigan, anong ating isusulat?
Kabayan, ang palad na itoy pinanday
sa hirap, magkano isang oras?
Posporo, kasama, posporo.
Masigan na itong mga notbuk, mga libro;
masigan na! San, san ang pista
ng mga plakard?
Sa ganyan ay darating o daraan,
lalapit ang isang matandang lalaking
may isang tungkod na mata,
naghahanap ng sariling bakuran, ng sariling
palayan, ng sariling kagubatan, ng sariling
libingan.
Sa simula ng paglapit,
sa simula ng paglayo,
sa pagitan ng paglayo at paglapit
Kaibigan, Kaibigan!
walang araw na ikaw, walang araw
na ikaw at akoy di nasusugatan.
X
Taboy ng kaluskos sa isipan,
katay sumalawak ng mga kulusang mahiwaga.
Makalaglag-balahibo ang kung anong karkar,
ng kung anong kirkir, kugkog,
ang kung anong tsir-tsir, harhar,
ng kung ano-anot ng kung saan-saan.
Kumukumpas ang mga talahib at kugon
sa mga pilapil, tarundon.
Mga batubatoy kumukurukutok sa kulumpon
ng kawayan. Mga mayay dumadalit ng kung ano
sa damuhan. Naglalatang ang ulilang kantarilya.
Mula ritoy tanaw ang ilang huberong bubungan.
Hayun ang hukot na matanda,
sa may ugit ng lumang ararong nakahapay,
mabagal na nagpapaypay ng gatong balanggot,
katay tila sinisinot hinihintay.
Anak sa talinduwa, anak sa takipan.
Anak sa dayami, sa bagaso, salay-maya.
Aling uha ang hindi na kapatid
ng unga, ng sungay?
Sa ating paglapit, dumaragsang palapit
ang mga kulusang tila may kalansing
ng mga kadenang nilalagot
ng ngipin, ng bisig, ng paa, ng karit.
Umaapaw ang ilog. Umaapaw ang isip.
Sumasapaw ang kirot ng siglong panaginip.
Baliin ang tungkod sa panga ni Kabesang Tano!
Durugin ang tabako sa nguso ni Don Ramon!
Ay kalaghara sa manggas ni Julita!
Manenok sa ulo ni Don Filemon!
Isang angkang plakard, o kartelong mahahaba
ang kanilang kasaysayan. Bawat plakard
ay singgaan ng pusong tulyapis;
sa kamay na hahawak, sali-salisi, pasa-pasa,
o bigat ng mga dantaon, ng daigdig!
Sa katanghalian,
ang buway kahahasang lingkaw
sa ating ulunan.
Aanhin mo ang sundang?
Pamumutol ng uway.
Aanhin mo ang uway?
Pambigti ng kapitan.
Binting mahahalas. Mga bisig na mahalas.
Tara, dalhin tang nakangiti ang halas
sa isip, ang halas sa mata, ang halas
sa dibdib. O ang barit at gilik ng mga
pinitak, tarundon, pilapil. O kalansing
ng mga tanikala ng mga panahon
sa mga panaginip!
XI
Itaas ang bandilang pula.
Iwagayway ang kartelon, mga plakard.
Marami pang susuntok sa ulap
buhat sa tangway ng unat na bato,
sa buko ng halang na tuod,
sa buto ng hiram na mga balikat,
o sa talim ng espading ng isang sakada,
sa palakol o lagari ng isang lenyador,
sa lingkaw ng isang magsasaka.
Darating, lalapit ang mga kulusan
magbuhat sa dilim ng apat na sulok.
Hitler ng bigote!
Sindihan, sindihan ang Bayaning-Dayami!
Nagmumurang dumarating. Kumakasag.
Sabay-sabay. Sunod-sunod. Pangkat-
pangkat.
Naglalampong. Nagmumura. Sumusuntok.
Sumisipol. Dumadalit ng mga parodiya,
magbuhat sa dilim ng apat na sulok.
Tindig, Matanglawin! Tindig, O Magdiwang!
Ang lupa at kural ng baboy sa parang,
Bukid at batisang kalawak-lawakan,
Sa puting montero ay binubuwisan
XII
Nagbuhat sa dilim ng apat na sulok.
Bisig sa bisig. Dibdib sa likod.
Mata sa taynga. Ilong sa batok.
Mane Thecel Phares.
Itaas ang mitsa ng bagong lampara.
Ilayo sa bahay ang makatang may riles sa
isip!
Ngipin sa balikat. Tagiliran sa tuhod.
Pisngi sa manggas. Sapatos sa kuyukot.
Kaibigan, bukas ng umaga, pagkagising,
may mga inang ngingisi, nganganga sa salamin.
Bukas ng umaga, may mga bukot
na ligalig sa paghanap
ng mga herenggilyang sa ulo nakaturok.
Bukas ng umaga, maraming maghahanap
sa bubog at basyo sa mga karsada; sa gulong,
sa tagdan, at sa posteng umuusok-usok;
sa bunton ng mga basurang nilalangaw;
sa luray o putol na patpat o kahoy;
sa rehas na binayo, binali, binaluktot.
May mga mahaharap sa sariling budhing
tila isang kasang sa gabiy pinilit mapasok,
pinilit masunog.
O sinong sasagot/dadakot sa banal na lura
ng manang na patungo sa simbahan: Sino kaya
ang mga ereheng gustong magkaingin
sa gitna ng lansangan?
Itaas ang kartelon, mga plakard;
Iwagayway ang pulang bandila!
Lintik, nasan ang kurdon, ang kurdon?
Kasama, saan kaya nagpipiket ang aking
kabyak na sapatos?
Kasama siguro ng aking kabyak
na sandalyas.
Tsoy, bawal daw ngumiti pag mahal
ang bigas.
Wala bang bibili ng mais sa Divisoria?
Sarap sanang magpugera.
Kabayan, nawawala si Ditse, nawawala.
Sumainyo ang aking mga kambal, sumainyo!
XIII
Oras ng mga gamugamo, alitaptap.
Oras ng tiyan at kubyertos sa daan.
Kaylakas ng hagupit ng hangin sa sanga,
ng hagupit ng sanga sa hangin.
Kasagan. Habulan. Kaskasan. Hiyawan.
Nagkakalapakan ang mga duguang
plakard.
Nagbabarimbawan, naghahagingan
ang mga basyong bote, bato, kalapatsa
at kung-anong-tupa! sa mga ulunan.
Lagatok, pagapak, lagabog, halihaw.
Sa noo, sa mukha, sa dibdib, sa karimlan.
Aha, kaygiting ng mga alipuris ng Buwaya!
Binabaril nila huwag kumaripas:
Binabaril lamang nila ang kuwago sa ulap!
Dinidilig nila huwag kumarimot:
Dinidilig lamang nila ang bermuda sa batok!
Usok sa mata, sa ilong, sa bulsa, sa tiyan.
Singhot. Singa. Ubo. Lura. Mura.
Putukan. Hiyawan. Kasagan. Pukpukan.
XIV
Kurdunin ang tulay, sa dilim, ng Mendiola!
Ay, kumpas ng pagtutol, ng pagsumpa,
ng hinaing, mga kumpas ng mga aninong
nabubuwal sa dilim, sa Tulay ng Mendioa!
Isang bagsak at pagdaing: (O kapatid
na panganay, anot nagulantang sa
pagtulog?
Sa labas ng bintanay humahalinghing
ang hangin;
anot nalalanta ang berdeng halamang
kadidilig lamang kanginang takipsilim?)
Isang bagsak at pag-ugol: (O diwatang
bagong kasal, anong nakikita sa harap
ng hagdang sumasayaw? Bakit natutulig
sa kung anong nahuhulog, nababasag
sa may banggerahan?)
Isang bagsak at pagsigaw, O inang
nag-iisa sa tahanan, anot pinukol mo
ang itim na aso? Anong panglaw ng alulong
sa karimlan?)
Mga bagsak at pagdaing, pag-ungol,
pagsigaw.
Kasagan. Kulusan. Kaskasan. Kuwanan.
XV
Sa kung saang santuwaryo,
di ta na magunita, mata sa mata:
ang dugo sa plakard ay sa noo at sa dibdib
kaylamlam, kaylamlam na namumukadkad.
Mahaba ang gabi sa bawat tanghali.
Mahaba ang gabi sa bawat tanghali.
O tarang magpugay sa Buwayang Maharlika
at kanyang mga alipuris, at hilingang
Danzar sobre un volcan.
Danzar sobre un vulcan.
O isigaw ang pula ng isang pergamino:
Mane Thecel Phares
Mane Thecel Phares
Sapagkat, sapagkat may buwang sasaklob
sa mga duguang plakard, sugatang alaala,
may buwan pang magsusuklob ng bungo
sa Tulay ng Mendiola!
may buwan pang magsusuklob ng bungo
sa Tulay ng Mendiola!
Uri ng Tula
Ito ay tulang nagsasalaysay. Sapagkat ito ay nagsasaad
ng pangyayari at naging kaganapan sa lipunan

Anyo ng tula
Malayang taludturan

Estropa/ Bilang ng Saknong


Ito ay mayroong labinlimang saknong.

Aliw-iw o Indayog
Wala itong indayog sapagkat wala itong pare-parehong
bilang ng pantig.
Tugma:
Wala itong tugmaan sapagkat ang tula ay
malaya.

Tono:
Seryosong ipinapaliwanag at nagkukwento
ng mga pangyayari noong Panahon ng Mendiola
Massacre.
Mga Tayutay
Bawat plakard ng dugoy isang kasaysayan.- metapora

wariy mga munting bungong may kutsilyong


nakatarak.- simile

tayoy tila mga tupang halos katnig-katnig- simile

Bawat ngitis duguang balahibo- metapora

ng isang martines na walang mahapunan.-metonymy


May dilang namimigat sa pangil ng
tigre,
may dilang kumikisig sa abo ng
dahon,
may dilang tusuk-tusok ng tinik ng
suha,- hyperbole/synecdoche

ay, kampilang bungi-bungi sa


lalamunan- metonymy

ng isang lalaking sumusuntok sa


ulap- hyperbole
anot tila kumikisay ang mga bituing
nakatusok sa mga balikat? -
metonymy

Mga ngitiy nakatahing paruparo sa


pawisang mga manggas.- metapora

Namimigat ang berdeng mga ulo,-


metonymy

Nagsisipagningning ang mga batuta,


baril
Mga leong walang buntot naman ang
ating mga pastol.- metapora

Hagupit ng hangin sa sanga,


hagupit ng sanga sa hangin!- metonymy

habang yaong mga dahoy


sabay-sabay, sunod-sunod sa pagbagsak.
Ang hangiy tumitiling papalayo,
Ang sangang nalagasay waring di na
nakayuko.- metonymy
Hayaan na munang humingalay ang
Dayaming-
Bayani sa ilalim ng baog na puno.-
metonymy

ang tiyan ng Kuweba. metonymy

sa paglabas ng Buwayang Maharlika


kasunod ang mga klerigong bangaw,
mga banal na uwak at buwitre:- metonymy

Bungangang walang dila, walang tonsil,


walang pangil.- synecdoche
Kusutin ang diwa, mga kababayan,
kusutin, kusutin- synecdoche

magpaa sa abril ng mga tumana,-


synecdoche

Ngayong nakaurong ang mga anino,


at waring dinudurog namin ang sariling
mga ulo: - transferred epithet

madilim na sulok ng tila swimingpul.-


habang yaong mga tunog, tagtag, tinig
ay mga aninong walang anyo- metapora

ang pakwang-hapon sa langit.- metonymy

akoy tila-isang batang nangangarap ng


duyan ng kandungan, ng kumot. - simile

ang buwan
ay isang duguang espading na nakatarak
sa tiyan ng isang nakadipa,
nakalutang na halimaw.- metapor
May espading na tila ba sa bungo ko
nakatusok.- simile

pustisong mga ngiping kikislap sa bahay.


may mga paninging mamamaybay sa lumot
ng
pader,
may mga paang mag-uurong-sulong
personification

wala pang sampagitang luray-luray,


nagdurugo sa harapan ng kumbento-
personification
May ngiting katulad ng bungo,- simile

Hintaying dumating ang mga


alitangya, tipaklong, atitap.-
metonymy

ng kung anong kirkir, kugkog,


ang kung anong tsir-tsir, harhar,-
onomatopoeia

Kumukumpas ang mga talahib at


kugon
Umaapaw ang isip.- hyperbole

Isang angkang plakard- metonymy


Pagsusuri
Paksa:
Ang paksa ng tula ay tungkol sa
madugong demonstrasyon ng mga
kabataan sa tulay ng Mediola.
Mensahe:
Ginugunita ng tula ang nangyaring
makasaysayang demonstrasyon na
nangyari sa panahon ni Marcos.
Pinahihiwatig nito na ang pagiging
isa ng mga Pilipino sa pagtatanggol
ng karapatan. Pinapakita rin dito na
nagiging bahagi na ng kasaysayan
ang pangyayaring demostrasyon
laban sa mga tiwalang opisyal ng
gobyerno.
Implikasyon:
Nabuksan ang isipan ng maraming
Pilipino tungkol sa mga karapatang
ipinagkakait ng pamahalaan sa
kanila. Marahil isa rin ito sa naging
mitsa upang magkaroon ng People
Power Revolution noong 1986.

You might also like