You are on page 1of 42

Action Research

sa Edukasyon
Panimula
Ang action research ay isang
praktikal na dulog o approach
sa propesyunal na pananaliksik
at makabuluhan sa mga gurong
sangkot sa araw-araw na
pakikipag-ugnayan sa mga
mag-aaral. Magagamit din ito
ng mga nasa pangasiwaan o
administrasyon ng isang
paaralan.
Panimula
Ang konteksto ng propesyunal
na pananaliksik ay maaaring
magbago ngunit ang mga
simulain o prinsipyo at
prosesong sangkot sa action
research ay di nagbabago, sa
anumang larangan ito ilapat.
Panimula
Malakas ang impluwensya ng
pananaliksik ni Lawrence Stenhouse
(1975) na nagbigay-diin na ang
pananaliksik hinggil sa paglinang ng
kurikulum ay dapat ipaubaya sa mga
guro. Aniya, hindi sapat na ang
pananaliksik ng mga guro ay pinag-
aaralan: sila mismoy dapat pag-
aralan din iyon.
Panimula
Gaya ng ipinahihiwatig ng
pangalan nito, sangkot sa action
research ang mga aktor ang
mga taong tumutupad sa kanilang
mga propesyunal na gawain araw-
araw at ang layunin nitoy
unawain at pagbutihin ang mga
nasabing gawain.
Ang action research sa edukasyon ay
nakaangkla sa pang-araw-araw na
karanasan ng mga guro:
Inilarawan nina Carr at Kemmis (1986)
ang action research bilang:
pagpapahusay ng praktika (practice);
pagpapahusay ng pag-unawa sa praktika;
pagpapabuti ng sitwasyon na
pinangyayarihan ng praktika.
Nakabatay ang
praktika sa mga intensyon,
pagpapahalaga, at paniniwala
ng mga practitioner, gayundin
sa sitwasyon na humuhubog
sa mga elementong ito.
Ang pananaliksik
pang-edukasyon sa
pamamagitan ng action
research ay di nagbubunga
ng pag-unawang maaaring
ilapat sa lahat
ng sitwasyon (universal
truth);
Sa ganit
ong diwa
action re , ang
search a
nakalilik y
generali h a ng mga
zation tu
ngkol sa
praktika
...
a t i o n
e r a l iz
g g e n n g
i g a y n b l i k o
a g b i b n g p u
a n g p a y a g a n , n g
a g h a h k a r a a
a y p n g n a a p , s
l a h a d n a h a r
pa g la n g h i m s a
a n o a i la li
lu k u y i n g i s n g
k a s a a a a r g i t a n
a n a m a m a
po r m a p a m t a t
s u r i s a l a p a
u l
pags loy na pag k.
patu a li k s i
pa n a n
Bakit dapat mong gamitin ang action
research?
Dahil gusto mong baguhin ang iyong
praktika. Maaaring naiisip mo na ang
mga bagay-bagay ay di sumusunod sa
iyong nais mangyari, o may
pangangailangan na magpatupad ng
pagbabago ngunit di mo sigurado kung
paano ito mabisang maipatutupad.
Bakit dapat mong gamitin ang action
research?
Nais mong gumamit ng paraan
na makapagbibigay ng mga
praktikal na solusyon sa iyong
mga problema, mga solusyong
mula sa mga tiyak na konteksto
ng iyong praktika.
Bakit dapat mong gamitin ang action
research?
Alam mong ang solusyong naiisip ng
iba ay maaaring makabuluhan ngunit
maaari rin namang hindi ito akma sa
sitwasyon na iyong kinalalagyan.
Alam mong ang praktika ay laging
naiimpluwensyahan ng konteksto.
Bakit maituturing
itong pananaliksik?
Sapagkat ang paghahanap ng solusyon ay
isang paraan upang mapahusay ang iyong
pag-unawa sa iyong praktika hindi
lamang kung ano ang iyong ginagawa,
kundi maging ang mga salik o factor na
nakaaapekto sa iyong ginagawa.
Bakit maituturing itong
pananaliksik?
Samakatwid, ang action research ay may
dalawang aspekto. Ang simula ay ang
paghahanap ng solusyon sa isang problema o
isyu sa praktika. Ngunit ang proseso ay
maaaring gamitin din upang mapahusay ang
pag-unawa sa praktika isang tradisyunal na
dulog sa pananaliksik. Ang mahalaga sa
dalawang dulog na ito, dapat kang manatiling
may bukas na pag-iisip, matapat at mapanuri.
Ano ang ibig sabihin ng
praktika?
Sa pananaw ng mga sangkot sa
action research, ang
pinakamainam na paraan upang
magnilay-nilay hinggil sa praktika
ay ang pagtupad sa iyong mga
propesyunal na gawain. Madalas
mong marinig ang pariralang
agwat ng teorya at ng praktika.
Ano ang ibig sabihin ng
praktika?
Ang action research ay isang
approach na lumalagpas sa
agwat na ito. Hinihikayat ng
action research ang
pagsasaalang-alang sa
parehong aspekto bilang
bahagi ng isang kabuuan.
Ano ang ibig sabihin ng
praktika?
Ang layunin ng action researcher ay
magdulot ng pagpapahusay ng kanyang
praktika at pagtukoy sa mga elementong
dapat baguhin. Ang prosesong itoy
nakaangkla sa pagtitipon ng ebidensya na
pagbabatayan ng pinag-isipan at hindi
kutob-kutob lamang na paghuhusga at
pagpapasya.
Ano ang ibig sabihin ng
praktika?
Sa panahong ito ng sentralisasyon at
propliperasyon ng mga pambansang
gabay at estratehiya, ang action
research ay makatutulong sa mga
guro na maramdamang may kontrol
pa rin sila sa kanilang sitwasyong
pinagtuturuan.
Ang action research ay magagamit sa:
pag-unawa ng sariling praktika;
pag-unawa sa pagpapahusay ng praktika;
pag-unawa sa kung paano mailalapat sa
sariling sitwasyon ang isang
pagbabagong buhat sa labas;
pag-unawa kung paano mababago ang
labas o ang kabuuan upang
mapahusay ang sariling praktika.
Paano isinasagawa ang action
research?
Binigyang-diin ni Jack
Whitehead (1985) ang
indibidwalidad ng action
research, sa pamamagitan ng
paglalarawan sa aktwal na
pakiramdam ng proseso ng
pagsasagawa nito:
Paano isinasagawa ang action
research?
1. Nakararanas ako ng suliranin
dahil ang mga pagpapahalagang
pang-edukasyon ko ay hindi
nailalapat sa praktika;
2. May naiisip akong solusyon sa
aking problema;
Paano isinasagawa ang action
research?
3. Sinusubukan kong ipatupad ang
naiisip kong solusyon;
4. Sinusuri ko ang resulta ng aking
mga aksyon;
5. Binabago ko ang aking problema,
ideya at aksyon batay sa aking
pagsusuri.
Ang action research cycle
Ang action research cycle
Indibidwal o Koloboratibo?
Hanggang sa puntong ito,
nagbigay-tuon tayo sa sa
indibidwalidad ng action
research, na sumasalamin sa
pananaw ni Whitehead
hinggil sa proseso nito.
Indibidwal o Koloboratibo?
May mga pagkakataon kung saan ang
koloborasyon ay isang mahalagang
elemento ng action research. Sa
pagsisikhay na maunawaan ang
kanilang praktika, ang mga action
researcher ay naghahangad na
patunayan ang tinatawag ni
Whitehead na claims to knowledge.
Mga Pamamaraan
Ang pangunahing pamantayan sa
pagpili ng partikular na pamaraan
sa pagkuha ng datos sa action
research ay kung makapagbibigay
ba ng makabuluhang impormasyon
tungkol sa praktika ang nasabing
paraan.
Mga Pamamaraan
Sa paghahanap ng ebidensya ng kanyang
praktika, o sa bisa ng pagbabagong
isinapraktika, kailangang tingnan ito ng
guro sa ibat ibang anggulo; kailangan
niyang gumamit ng triangulation ng ibat
ibang pamaraan. Isa itong payak na
simulain na sumasaklaw sa maingat na
pamimili ng teknik sa pangangalap ng
datos; bawat isay maaaring magbigay-
linaw sa isang aspekto ng iisang isyu
Mga Pamamaraan
Sa paghahanap ng ebidensya ng kanyang
praktika, o sa bisa ng pagbabagong
isinapraktika, kailangang tingnan ito ng
guro sa ibat ibang anggulo; kailangan
niyang gumamit ng triangulation ng ibat
ibang pamaraan. Isa itong payak na
simulain na sumasaklaw sa maingat na
pamimili ng teknik sa pangangalap ng
datos; bawat isay maaaring magbigay-
linaw sa isang aspekto ng iisang isyu
Ang simulain o principle
ng triangulation:
Mga Pamamaraan
Bawat paraan ay magbibigay ng access sa
ibat ibang aspekto ng sitwasyon. May
mga aspekto ng suliranin na hindi
mabibigyang-linaw ngunit mas maraming
aspekto ang mabibigyang-linaw kung higit
sa isang pamaraan ang gagamitin.
Gayundin, ang cross-referencing ng data
mula sa ibat ibang paraan ay nagdaragdag
sa pangkalahatang reliability ng proseso
ng pananaliksik.
Mga Pamamaraan
Hanggat ang mga action
researcher ay aware sa limitasyon
ng mga partikular na pamamaraan,
maaari silang gumamit ng alinman
sa mga sumusunod na pamamaraan
upang mapagnilay-nilayan nila ang
kanilang pinag-aaralan:
Mga Pamamaraan

1. observation schedules ng mga


batas, estudyante o ng kanilang
mga sarili;
2. audio o video tape recording;
3. structured o semi-structured
interviews;
Mga Pamamaraan

6. field notes;
7. an analytic memo;
8. sociometry;
9. photography;
10. repertory grids;
Buod
Ang action research ay isang
praktikal na paraan upang mapagnilay-
nilayan ng indibidwal ang kalikasan ng
kanyang praktika at paghusayin pa ito.

Hinihikayat ng action research ang


mga practitioner na maging tagalikha
ng kaalaman sa halip na tagakonsumo
Buod

Gumagamit ng action ang action


research bilang pamaraan ng
pananaliksik; ang planong pagbabago
ay ipinatutupad, minomonitor at
sinusuri.
Ang action research ay maaaring
sumunod sa cycle na action-reflection
Buod

Maaaring gumamit ang mga


action researcher ng ibat ibang
paraan ng pananaliksik, qualitative
o quantitative man.
Buod

Ang prosesoy maaaring maging


masalimuot; habang ang pananaliksik
ay isinasagawa, maaaring matuklasan
ang malalawak na ugnayan.
Ang action research ay
References

Altricher, H., Posch, P. & Somekh, B. (1993) Teachers Investigate their Work: An
Introduction to the Methods of Action Research, London, Routledge.
Carr, W. & Kemmis, S. (1986) Becoming Critical: education, knowledge and action
research. Lewes, Falmer.
Cohen, L ; Manion, L & Morrison, K (2000) Research Methods in Education (5th
edition), London, Routledge Falmer
Corey, S. (1953) Action Research to Improve School Practices. New York, Columbia
University, Teachers College Press.
Ebbutt, D. (1985) Educational Action research: some general concerns and specific
quibbles, in: Burgess, R. (ed.) Issues in Educational Research: qualitative methods.
Lewes, Falmer.
Elliott, J. (1981) Action research: a framework for self-evaluation in schools. TIQL
working paper no.1., Cambridge, Cambridge Institute of Education.
Elliott, J. (1991) Action Research for Educational Change, Buckingham, Open
University Press.
Foucault, M. (1980) Power/Knowledge. Brighton, Harvester.
Gibson, R. (1985) Critical times for action research. Cambridge Journal of
Education, 15 (1): 59-64.
Hamilton, D. (1981) Generalization in the Educational Sciences: problems and
purposes. In: Popkewitz, T.S. and Tabachnik, B.R. (eds.) The Study of Schooling:
field based methodologies in educational research and evaluation, New York,
Praeger.
Hollingsworth, S. (ed.) (1997) International Action Research: a casebook for
educational reform. London, Falmer.
References

Hollingsworth, S., Noffke, S.E., Walker, M. & Winter, R. (1997) Epilogue: What have we learned from these case on
action research and educational reform? in: Hollingsworth, S. (ed.) International Action Research: a casebook for
educational reform, London, Falmer.
Hopkins, D. (1993) A Teachers Guide to Classroom Research, 2nd edition, Milton Keynes, Open University Press.
Hustler, D., Cassidy, A. & Cuff, E. (eds.) (1986) Action Research in Classrooms and Schools, London, Allen and Unwin.
Jennings, L. & Graham, A. (1996) Postmodern perspectives and action research: reflecting on the possibilities.
Educational Action Research, 4 (2): 267-278.
Kemmis, S. & McTaggart, R. (1982) The Action Research Planner. Victoria, Deakin University Press.
Koshy, V. (2005) Action research for improving practice. A practical guide. London: Paul Chapman Publishing.
Lewin, K. (1948) Resolving Social Conflicts. New York, Harper.
Lewis, I. (1987) Encouraging reflexive teacher research. British Journal of Sociology of Education, 8 (1): 95-105.
Lyotard, J.F. (1984) The Postmodern Condition: a report on knowledge. Manchester, Manchester University Press.
McKernan (1991) Curriculum Action research: a handbook of methods and resources for the reflective practitioner.
London, Kogan Page.
McNiff, J. (1988) Action Research: Principles and Practice, Basingstoke, Macmillan.
Schn, D. (1983) The Reflective Practitioner: How Professionals Think in Action. New York, Basic Books.
Somekh, B. (1988) The role of action research in collaborative inquiry and school improvement. Paper to CARN
conference, Cambridge, 25-27 March.
Stenhouse, L. (1975) An Introduction to Curriculum Research and Development. London, Heinemann.
Taba, H. (1962) Curriculum Development: theory and practice. New York, Harcourt, Brace and World.
Wallace, M. (1987) A historial review of action research: some implications for the education of teachers in their
managerial role. Journal of Education for Teaching, 13 (2): 97-115
Whitehead, J. (1985) An Analysis of an Individuals Educational Development: the basis for personally oriented action
research, in: Shipman, M. (ed.) Educational Research: principles, policies and practices, Lewes, Falmer.
Whitehead, J. (1989) Creating a living educational theory from questions of the kind How do I improve my practice?
Cambridge Journal of Education, 19 (1): 41-52
Whitehead, J. & Lomax, P. (1987) Action research and the politics of educational knowledge. British Educational Research
Journal, 13 (2): 175-190.
Winter, R. (1987) Action Research and the Nature of Social Inquiry. Aldershot, Gower.
Winter, R. (1989) Learning from Experience: principles and practice in action research. Lewes, Falmer.
Woods, P. (1996) Researching the Art of Teaching: ethnography for educational use. London, Routledge.
Zeichner, K.M. (1993) Action research: personal renewal and social reconstruction. Educational Action Research, 1 (2):
199-219.
EMMA C. GUITABA
Pulong Buhangin National High School

You might also like