You are on page 1of 11

Ang Pag-uwi

(The Way
Home)
Isinulat at iIdinirihe ni:
Lee Jeong-hyang

Ibinuod sa Filipino ni M.O Jocson


Ang pelikulang Ang Pag-uwi (The Way Home) ay nagkamit ng napakaraming
karangalan sa South Korea na katumbas ng prestihiyosong Oscars.
Kuwento ito ng isang lola na nakatira sa malayong lalawigan at apong lalaki na
lumaki sa lungsod. Kahanga-hanga ang walang kondisyong pagmamahal na
ipinadama ng lola sa kaniyang apo kahit hindi siya pinakitaan ng maganda nito.
Nagsimula ang kuwento nang isang umaga ay sakay sina Sang-woo at ang kaniyang
ina papunta sa kaniyang lola na nasa malayong lalawigan. Hindi nagustuhan ni
Sang-woo ang mga kasakay na taga-lalawiagn. Hindi nagustuhan ni Sang-woo ang
mga kasakay na taga lalawigan at panay ang reklamo sa kaniyang ina tungkol dito.
Isang pipi ang 75 taong gulang na lola ni Sang-woo ngunit hindi naman bingi. Dadalhin
siya roon ng kaniyang ina pansamantala habang maghahanap ng trabaho sapagkat
nabigo ang negosyong sinamahan niya sa Seoul.
Sa wakas, narrating nila ang lugar. Tumigil ang bus sa maalikabok at napakalumang
baryo.
Walang intensiyon si Sang-woo na magbigay-galang sa kaniyang piping lola lao nat
nakikita niya ang napakalumang bahay na tinitirhan ng matanda. Sa pagpunta niya
roon, dala-dala niya ang mga laruan at mga pagkaing pawing junk food. Ipinagpaalam
ng nanay ni Sang-woo sa kaniyang ina na iiwan muna niya ang kanyang anak. Sinabi rin
na hindi naman daw magtatagal at kukunin din niya si Sang-woo.
Nang makaalis na ang ina ni Sang-woo at dalawa na lang sila ng kaniyang lola, hindi niya
pinapansin ang matanda, ni ayaw niyang tingnan ang kanyang lola at tinatawag pa
niyang byungshin na ang ibig sabihin ay hindi wasto ang pag iisip.
Kinaumagahan, bilang simula ng araw ng lola ni Sang-woo, bumaba ang matanda sa
burol upang kumuha ng malinis na tubig at nilabhan ang mga damit niya. Iniayos din ng
lola ang mga melon na ititinda niya sa palengke.
Isa sa kapitbahay ng lola ni Sang-woo ang isang mabait na batang lalaki.
Nakikipagkaibigan siya kay Sang-woo ngunit ayaw niya at sa halip nay tinutukso pa ang
batang lalaki. May isang batang babae na kapitbahay rin ng kaniyang lola. Nagkagusto si
Sang-woo sa kaniya ngunit mas gusto ng batang babae ang batang lalaki na tagaroon.
Simple lamang ang buhay ng lola ni Sang-woo na kahit ganoon ay mahal siya ng mga
kaibigan, ganoon din siya sa mga ito.
Dahil sa laging nilalaro no sang-woo ang kaniyang Game Boy, naubusan ito ng mga
baterya at humingi siya ng pera sa kaniyang lola para bumili ng bago. Ngunit dahil
mahirap lang ang lola niya, wala itong perang maibigay sa kaniya, kaya nagalit siya at
sinabing maramot ang kaniyang lola. Itinapon niya ang sapatos ng matanda, binasag
ang palayok, at pinagsusulatan ang pader ng bahay.
At dahil sa walang mahinging pera sa kanyang lola, kinuha niya ang pilak at magandang
hairpin nito upang ipagpalit ng baterya. Naghanap siya ng tindahanna magpapalit nito
sa kailangan niya. At nang ipinagpapalit na niya ang hairpin, bigla siyang pinalo ng
tindero at punauuwi na, dahil kilala ng nasabing tindero ang hairpin at bukod dito,
kaibigan niya ang lola ni Sang-woo.
Isang araw humugi si Sang-woo ng fried chicken. Ang naitindihan lamang ng
kanyang lola ay "chicken" kayat agad-agad siyang pumuntang palengke upang
ibenta ang mga melon na inanu nang sa gayon ay makabili ng manok. Nakabili
naman siya at kahit umuulan inuwing buhay ang manok. Inilaga niya ang manok sa
halip n iprito. Paggising ni Sang-woo, nakita niya abg nilagang manok, nagalit at
itinapon ito. Nang gumabi na at dahil gutom atbwala a rin namang ibang makain,
napilitan siyang kunin ang nilagang manok sa pagkakatapon at kinain ito.
Kinabuksan, mataas ang lagnat ng lola ni Sang-woo. Nag alala naman si Sang-woo
sa kalagayan ng lola, kinumutan ng makapal na kumot, at ipinakain ng natir niyang
manok.
Anumang hirap na nararanasan ng matanda lalo naat may osteoporosis siya, isang
bagay ang kanilangang gawin ni Sang-woo para sa kaniya, ang maglagay ng sinulid
sa karayom . Nang araw na iyon, tinahi ng matanda ang kaniyang sapatos.
Pagkatapos magtahi, pumunta siya sa palengke upang itinda ang dalang gulay.
Ibinabahagi ng matanda ang kita sa isang kaibigan, "Balik ka uli bago mamatay ang
isa sa atin."
Galit pa rin si Sang-woo at hindi nasisiyahan sa nararanasan niya sa kapaligirang
hindi siya sany, hindi rin niya tinatanggap ang panunuyo ng kaniyang lola.Ngunit
dahil sa ipinapakitang pagmamahal ng lola na walang kondisyon, unti-unting
naglulubag ang loob ni Sang-woo sa matanda
Isang araw gumising ng maaga si Sang-woo at sumama sa kanyang lola sa pagtitinda sa palengke.
Nakita niya kung paano hinihikayat nga kanyang lola na bumili ang mga tao sa kanyang panindang
gulay. Pagkatpos ng isang mahabang araw na pagtitinda, dinala niya si Sang-woo sa isang tindahan
at binili sya ng noodles at bagong sapatos. Nag sumakay na sila ng bus pauwi, nag pabili si Sang -
woo ng choco pie sa kanyang lola
Pumunta ang lola sa tindahan ng kaibigan, binigyan siya ng anim na choco pie ngunit hindi kinuha
ang bayad niya, kayat binigyan na lamang niya ng melon ang kaibigan kapalit ang choco pie. Nang
makabalik na sa bus ang lola ni Sang-woo na dala-dala ang ipagbibili ng apo, sinabi ni Sang-woo na
huwag na siyang sumakay sa bus na iyon, gusto niyang mag isa lang siyang umuwi sakay ang
nasabing sasakyan lalo na't nandoon ang nagugustuhan niyang batang babae. Nakiusap
nang lola na dalhin ni Sang-woo ang kanilang mga dala ngunit tumaggi ang apo. Umalis na ang bus
na hindi sakay ang kaniyang lola. Hinintay ni Sang-woo ang lola at nagtaka siya bakit napakatagal
ng matanda. Saka lamang niya naisip na naglakad lamang ito mula sa palengke at marami pa
siyang dala.
Sa paglipas ng mga araw, unti-unti nang natututobg mahalin ni San-woo ang lola.
Biglang sumulat ang kanyang ina na kukunin ba siya para umuwi. Nag-aalala si Sang-
woo para sa kanyang Lola dahil kung wala na siya, hindi naman ito makakatawag sa
telepono, hindi rin nagsasalita, hindi rin nakakabasa ko nakasusulat. Tinuruan niyang
sumulat ng dalawang pangungusap ang kaniyang lola: I miss you&quot at I am sick.
Hindi na gaanong magawa ng kaniyang lola ang ipinasusulat niya kaya't ibinilin
niya n kapag may sakit siya, ipadala ang blankong papel at agad siyang pupuntahan nito
at aalagaan.
Bago umalis si sang-woo, naglagay siya nang naglagay ng sinulid s maraming karayom,
munting bagay na magagawa niya para sa kanyang lola upang hindi siya mahirapan at
makapagtahi ng dapat tahini.
Ang naramdaman niyang pagmamahal sa kaniyang lola ay naipakita niya nang
paalis na ang bus. Pumunta siya sa likod nito na may salamin kaya't nakita
siyang umiiyak habang kumakaway sa kaniyang lola na tanda ng pagpapaalam.
Natalos ang kuwento na makikita ang lola ni Sang-woo na balik sa mga dati niyang
ginagawa sa kaniyang lumang bahay. Makikita rin sa bahay na iginuhit na mga
larawa  ni Sang-woo, ang kaniynag lola na nakangiti at may sakit. Naroon din
ang mga postcards na sulatan niya ng , I miss you at I am sick upang maipadala
ito ng kanyang lola kung kinakailangan at nang sa gayon, malaman na rin niya ang
kalagayan ng mahal na lola.
DENNROSE DECLARO
ARIAN ROSME ONAG

FILIPINO 9

You might also like