You are on page 1of 120

Ritu ng Pagluluklok ng

mga Imahen ng mga


Banal na may
Kaugnayan sa Musikang
Pangsimbahan
Magsitayo ang
lahat
Halina, Espiritu
Santo
Veni Sancte Spiritus
(Fr. Peregrino Tomas
arr. Ferdinand M. Bautista)
Halina, Espiritu Santo,
puspusin Mo ang mga
pusong tapat sa Iyo.
Puso ng mga binyagan,
pusong humahanap saYo!
Halina, Espiritu Santo,
pagningasin Mo ang apoy
ng Iyong pag-ibig!
Espiritu ng pag-unawa,
ipaliwanag Mo ang
kalooban ng Diyos,
Espiritu ng katalinuhan
manguna ka sa lahat ng
gawain.
Halina, Espiritu Santo,
puspusin Mo ang mga
pusong tapat sa Iyo.
Puso ng mga binyagan,
pusong humahanap saYo!
Halina, Espiritu Santo,
pagningasin Mo ang apoy
ng Iyong pag-ibig!
Espiritu ng pagpapayo,
tanglawan Mo kami sa
aming alinlangan. Espiritu
ng lakas at buhay, bigyan
ng tatag sa buhay
paglilingkod.
Halina, Espiritu Santo,
puspusin Mo ang mga
pusong tapat sa Iyo.
Puso ng mga binyagan,
pusong humahanap saYo!
Halina, Espiritu Santo,
pagningasin Mo ang apoy
ng Iyong pag-ibig!
Amen.
At sumaiyo rin.
Magpuri sa
Panginoon
(Fr. Eduardo P. Hontiveros, SJ
arr. Louie Angelo Oca)
Magpuri kayo sa
Panginoong Diyos, lahat
ng santinakpan.
Magsiawit kayo at Sya;y
ipagdangal
magpakailanman.
Magpuri kayo mga anghel
ng Diyos sa Panginoong
Maykapal. Magpuri kayo
mga langit sa Diyos sa
sanyo lumikha.
Magpuri kayo sa
Panginoong Diyos, lahat
ng santinakpan.
Magsiawit kayo at Sya;y
ipagdangal
magpakailanman.
Magpuri kayo sa
Panginoon buwan, araw at
bitwin. Umawit sa
kanyang karangalan at
hamog at hangin.
Magpuri kayo sa
Panginoong Diyos, lahat
ng santinakpan.
Magsiawit kayo at Sya;y
ipagdangal
magpakailanman.
Magpakailanman!
Amen.
Ang Pagluluklok
Magsiluhod ang
lahat
Panalangin
kay San
Papa Juan
Pablo II
O, San Papa Juan Pablo II,
mula sa bintana ng langit,
ipagkaloob mo sa amin
ang iyong pagbabasbas!
Basbasan mo ang
Simbahang iyong minahal,
pinaglingkuran,
ginabayan, at buong-
tapang na pinamunuan
sa mga landas ng daigdig
para ihatid si Hesus sa
lahat at ang lahat kay
Hesus.
Basbasan mo ang mga
kabataan, na iyong
pinakamamahal.
Tulungan mo silang
muling mangarap,
tulungan mo silang
muling tumingala at
hanapin ang ilaw na
nagbibigay liwanag sa mga
landas ng buhay dito sa
daigdig.
Gayundin naman, nawa'y
basbasan mo ang mga
pamilya. Sa pamamagitan
ng iyong panalangin,
nawa'y pangalagaan mo
ang pamilya at ang bawat
buhay na nagbubunga
mula sa pamilya.
Ipanalangin mo ang
buong mundo, na
hanggang ngayon ay
markado pa rin ng
tensyon, digmaan, at
kawalan ng katarungan.
Hinarap mo ang digmaan
sa pamamagitan ng
panawagan para sa pag-
uusap at paghahasik ng
mga punla ng
pagmamahal:
ipanalangin mo kami nang
kami ay maging mga
walang-pagod na tagapag-
hasik ng kapayapaan.
O San Juan Pablo, mula sa
bintana ng langit, kung
saan nakikita ka namin sa
piling ni Maria,
ipadala mo ang
pagbabasbas ng Diyos dito
sa aming lahat. Amen.
Panalangin
kay San
Gregorio
Magno
O, San Gregorio Magno,
ikaw ay naging tanyag sa
iyong kasigasigan para sa
pananampalatayang
Katoliko,
pagmamahal sa gawaing
pagsamba, at paglingap at
habag sa mga
nangangailangan.
Tulungan at gabayan mo
kami upang kami ay
makabahagi sa mga
katangiang ito na iyong
ipinamalas,
at sa pamamagitan nito ay
madala namin si Jesus sa
mga puso ng aming mga
pamilya at sa lahat ng
aming nakakasalamuha
araw-araw..
Nawa ay ipamagitan mo
kami sa aming mga
panalangin upang kami ay
lalo pang makapagtalaga
ng aming sarili sa
paglilingkod sa Diyos
at sa Simbahan. Tulungan
mo kami na
makapamuhay bilang
matapat na mga anak ng
Diyos,
at nawa ay makamtan
namin ang walang
hanggang kasiyahan sa
kalangitan. Amen.
Panalangin
kay San
Papa Pio X
O, San Papa Pio X,
maluwalhating Papa ng
Eukaristiya, iyong
pinagsikapan at
ipinanalangin na ang lahat
ay magkaisa kay Hesus.
Ipagkaloob mo sa amin
ang tunay na pag-ibig kay
Hesus upang kami ay
makapamuhay para sa
kanya.
Tulungan mo kaming
magkaroon ng
kataimtiman at tunay na
kalooban sa
pagpupunyaging
magpakabanal.
Magawa nawa naming
makinabang sa
kayamanan ng Banal na
Eukaristiya.
Sa iyong pagmamahal kay
Maria, Ina at Reyna ng
lahat, papag-alabin mo
ang aming mga puso ng
tunay na pamimintuho sa
kanya.
Banal na modelo ng mga
pari, ipagkaloob mo sa
amin ang mga banal at
tapat na mga pari,
at ang pagdami ng mga
bokasyon sa pagpapari at
pagiging relihiyoso at
relihiyosa.
Alisin mo ang pagkalito at
pagkagalit sa aming
kalooban upang kami ay
maging daan ng
kapayapaan at pagkakaisa,
upang ang buong mundo
ay magkaisa sa kaharian
ni Kristo. Amen.
Panalangin
kay Sta.
Cecilia
Maluwalhating Sta.
Cecilia, pinili mong
maghandog ng buhay
hanggang kamatayan sa
halip na talikuran ang
iyong Hari.
Itinataas namin ang
aming mga puso na puno
ng mga masasayang
awitin upang parangalan
ang aming Panginoon.
Habang ang aming mga
puso at dila ay
naghahandog ng
panalangin ng pagpupuri
sa Panginoong Diyos,
aming hinihiling na
tulungan mo kaming
mapalapit at maging kaisa
ni Hesukristo.
Ikaw ay kinikilala naming
pintakasi ng mga
mananampalatayang
naglilingkod sa simbahan
sa pamamagitan ng
musika
sapagkat ikaw ay
nakaririnig ng mga anghel
na umaawit.
Pag-alabin mo ang aming
kalooban, upang habang
aming pinupuno ang
kapaligiran ng mga
awiting nagbibigay puri at
parangal sa Panginoon,
nawa ay maikintal sa
aming kaisipan na sa
Diyos nagmumula at
nananatili ang lahat ng
Mabuti at Kaayaaya.
Amen.
Panalangin
kay San
Agustin
O San Agustin, pinili ka
nang Amang Lumikha
upang maging Guro ng
pag-ibig, ilaw ng mga
mangangaral at mag-
aaral,
Pantas ng Simbahan,
haligi ng Santa Iglesia,
tagapagtanggol ng
pananampalatayang
Kristiyano at kalasag
laban sa mga kaaway.
Hayaan mong matularan
namin ang iyong
halimbawa ng pagbabalik-
loob sa Diyos upang kami
rin
ay makatamasa ng
matuwid na landas tungo
sa kaginhawahang walang
katapusan upang ang puso
namin ay pamahayan ng
Banal na Santatlo.
Ipanalangin mo kami,
patron naming San
Agustin, upang ang aming
bisyo
at mga maling aral na
pinaniniwalaan ay aming
maituwid sa tulong at awa
ni Hesukristo.
Tulad ng iyong
nasumpungan sa sulat ni
San Pablo sa Bagong
Tipan, nawa ay maiwasan
naming malugmok sa
lusak ng kamunduhan
at kalaswaan; at maisuot
namin ang damit ng
aming Panginoong
Hesukristo.
Tulungan mo kami, San
Agustin, upang manaig sa
amin ang karunungan at
katalinuhan na biyaya sa
amin ng Diyos.
Nawa ang mga biyayang
ito ay maghatid sa aming
buhay nang kabanalan.
Papagliwanagan mo kami
na umasa sa biyaya ng
Espiritu Santo at hindi sa
sarili naming kakayahan
lamang.
Naway maisabuhay
namin ang halimbawa mo,
o aming patrong San
Agustin, upang ang aming
napapagal na puso
ay makasumpong ng
kapayapaan at magalak sa
pag-ibig ng iisang Diyos.
Amen.
Panalangin
kay Sto.
Tomas de
Aquino
Sto. Tomas de Aquino,
ikaw ay nag-uumapaw sa
pagmamahal sa Banal sa
Sakramento. Nakintal sa
iyong kalooban ang sinabi
ni Hesus,
Pakatandaan ninyo:
malibang kainin ninyo ang
laman ng Anak ng Tao at
inumin ang kanyang dugo,
hindi kayo magkakaroon
ng buhay.
Kaya naman, ikaw ay
nagkaroon ng malaking
pagmamahal kay Hesus sa
Banal na Sakramento, at
naglaan ka ng maraming
panahon
sa harapan ng Banal na
Sakramento.
Minsan ay sinabi mo na
mas marami kang
natutunan sa
pananalangin kaysa sa
mga oras na inilaan mo sa
pagsasaliksik.
Ang simbahan ay
tumatanaw ng utang na
loob sa iyo sa mga awiting
pang-Eukaristiya na iyong
kinatha bilang tugon
sa kahilingan ni Papa Urban
IV, para sa noon ay kakatatag
pa lamang na kapyestahan ng
Kabanal-banalang Katawan
at Dugo ng Panginoong
Hesukristo.
Kami nawa ay magkaroon
din ng ganoong nag-
uumapaw na pagmamahal
sa Eukaristiya, at ito nawa
ay magbunga ng
pagmamahal
sa kapwa tao, lalot higit sa
mga nangangailangan.
Katulad mo, kami nawa ay
mabuhay sa pag-ibig,
at sa pagtalima sa aral ni
Hesus upang kami ay
makabuo ng kanyang
kaharian. Amen.
Panalangin
kay San
Pedro
Bautista
O, San Pedro Bautista,
nagpapasalamat kami sa
Panginoong Diyos sa
pagkakaloob sa amin ng
isang modelong katulad
mo
na nagtalaga ng sarili sa
paglilingkod sa Diyos at sa
simbahan.
Iyong ipinamalas ang
paglilingkod na ito sa
iyong buong pusong
pagpapayaman ng
pananampalataya
sa iyong pamayanan, lalot
higit sa pamamagitan ng
musika. Sa huli, iyong
ipinamalas na ang
paglilingkod na ito
ay napatutunayang tunay
at wagas sa pag-aalay ng
buhay hanggang
kamatayan.
Turuan mo kami na
magkaroon din ng
ganoong kalaking
pananampalataya upang
kami rin
ay matulad sa iyo na
naging kalugud-lugod sa
harapan ng Panginoon.
Amen.
Magsiupo ang
lahat
Magsitayo ang
lahat
Amen.
At sumaiyo rin.
Amen.
Salamat
sa Diyos.

You might also like