You are on page 1of 10

Pagkakaugnay-ugnay ng mga Anyong Tubig

at Anyong Lupa sa Aking Lalawigan at


Rehiyon

Jadee I. Castro
Famy-Mabitac District
Pagbalik Aralan ang mga Anyong Lupa at Anyong Tubig
na Mtatagpuan sa inyong Rehiyon
Basahin ang Tula
Sa ating lalawigan ay matatagpuan,
mga bundok, burol, talampas at kapatagan,
ilog, lawa, talon at dagat ay mapaliliguan
sapagkat mayaman ito sa likas na yaman.
Anyong lupa at anyong tubig ating pag-ugnayin
upang makilala rehiyong kinabibilangan natin.
Ating alagaan at ganda'y panatilihin ipagmalaki ito
at ating mahalin.
Itanong:
a. Ano ang mensahe ng tula?
b. Naniniwala ka ba na magkakaugnay-ugnay
ang mga anyong lupa at anyong tubig sa ating
lalawigan?
Talakayin ang mapa
ng Pilipinas na may
simbolo ng Anyong
Lupa at Anyong Tubig
Nasa bahaging timog silangan ng Luzon ang mga hanay ng
bundok na tinuturing na pinakamahaba sa buong isla. Ilan
dito ay ang Bundok Banahaw na naghihiwalay sa Laguna at
Quezon at ang Bundok Makiling na nasa pagitan ng Laguna at
Batangas.
Mayroon din sa bahaging kanluran ng Luzon isang
bundok sa pagitan ng Zambales at Pampanga na isa
ding aktibong bulkan, ang Bulkan ng Pinatubo.
Gumamit ng sariling sagutang papel sa pagsagot sa
mga tanong.
I. Paano naaapektuhan ang pamumuhay ng mga mga
lalawigan ng sinasakop ng mga kabundukan ng Sierra
Madre?
Halimbawa:
Ang Paete, Laguna ay tanyag sa paglililok ng mga kahoy
mula sa bundok ng Banahaw.
Ang bundok ang pinagkukunan ng punong kahoy.
A. May isang tribu ng mga Ilongot na nakatira sa
kabundukan ng Sierra Madre. Hindi sila tumitigil sa
isang lugar ngunit sila ay dumarayo kung saan sila
makakakuha ng makakain ng kanilang tribu. Ang mga
pagkain ay nakukuha nila sa kagutan kung saan sila
mapadpad. Kadalasan sila ay nasa bahagi ng Sierra
Madre sa pagitan ng Nueva Ecija at Nueva
Vizcaya.
____________________________________________
Tandaan Mo

Magkakaugnay ang mga anyong lupa at anyong tubig ng


bawat lalawigan at rehiyon. Nagkakaugnay-ugnay ang
iba’t ibang anyong tubig at anyong lupa upang magbigay
ng mahalagang impormasyon sa mga mag-aaral.

You might also like