You are on page 1of 9

ANG PAGPAPAHABA NG

PANGUNGUSAP
Inihanda ni Bb. Jahariah P. Cerna
MGA LAYUNIN

 Naitatalakay ang mga paraan ng pagpapahaba ng Pangungusap

 Nakapagbibigay ng mga halimbawang pangungusap na nakabatay


sa natutunan mula sa talakayan.

 Nakasasagot sa isang maikliang pagsasanay tungkol sa


pagpapahaba ng Pangungusap.
PA H A B A I N A N G PA N G U N G U S A P

1. Siya ang kalaguyo!

2. Mahal kita!

3. Baliw ka ba?
Maganda at mabisa ay maaaring
pahabain sa pamamagitan ng
pagdaragdag ng mga kataga,
panuring, komplemento, at ng
pagtatambal.
1. Pa gpapahaba Sa
Pamama gitan Ng K ata ga
 Ang mga katagang maaaring makapagpahaba sa pangungusap ay
 Pa, ba, man, naman, nga, pala at iba pa.
Halimbawa:
May tao pa?
May tao pa ba?
May tao na nga pala.
May mga tao na naman pala.
2 . Pa g p a p a h ab a S a Pa m a m a g i t a n
N g Pa nu r i n g
 Ang mga panuring na na, ng, at g ay nakatutulong sa
pagpapahaba ng pangungusap.

Halimbawa:

Siya ang anak.

Siya ang anak na babae.

Siya ang ulirang anak na babae.

Siya ang ulirang anak na babaing manggagamot.


3 . Pa g p a p a h a b a S a Pa m a m a g i t a n N g
Pa g t a t a m b a l .

- Napagtatambal ang dalawang payak na pangungusap sa


pamamagitan ng mga pangatnig na at, ngunit, datapwat,
subalit, saka, at iba pa.
- Halimbawa:

Nagtatrabaho sa pabrika ang kaniyang tatay at


nagtitinda sa palengke ang kaniyang nanay.
 Panuto : Pahabain ang sumusunod na pahayag gamit
ang mga paraan sa pagpapahaba ng pangungusap.

1. Maganda ang Pilipinas….

2. Ihanda mo ang iyong sarili…

3. Nakikita na ang kaunlaran sa Timog Silangang


Asya…

4. Dumating ang Pangulo…

5. Mahuhusay ang mga Pilipino.


TAKDANG ARALIN
Ibigay ang katuturan ng mga sumusunod na uri ng
Pagpapahayag

Pagsalaysay

Paglalarawan

Paglalahad

Pangangatwiran

You might also like