You are on page 1of 3

Spoliarium

Ang Spoliarium ay ipininta ng kilalang mahusay na pintor na si Juan Luna. Ang Spoliarium ay
ipinasa ni Juan Luna sa Exposición Nacional de Bellas Artes noong 1884, kung saan ito ay
pinarangalan ng gintong medalya. Noong 1886, ito ay ipinagbili sa Diputación Provincial de
Barcelona sa halagang 20,000 pesetas. Ito ay kasalukuyang nakasabit o nakalagay sa main gallery
ng unang palapag ng Pambansang Museo ng Pilipinas.
Ang pinturang ito ay tumutukoy sa mga pangyayari sa sinaunang Roma, na kung saan ang mga
patay o mga natatalong mga mandirigma o Gladiator ay sinusunog, sa pintura ay mapapansin ang
mga taong nanunuod sa paghila sa mga patay at malubhang mga mandirigma, at sa kanang
bahagi ng pintura ay may isang babae na hinahanap ang mga labi ng kanyang asawa.

You might also like