You are on page 1of 75

DISASTER

MANAGEMENT
PLAN
UNANG YUGTO:
DISASTER PREVENTION
AND MITIGATION
DISASTER PREVENTION AND MITIGATION

Sa bahaging ito ng disaster


management plan, tinataya ang mga
hazard at kakayahan ng pamayanan
sa pagharap sa iba’t ibang suliraning
pangkapaligiran.
DISASTER PREVENTION AND MITIGATION

Mula sa mga impormasyon na nakuha


ay bubuo ng plano upang maging
handa ang isang pamayanan sa
panahon ng sakuna at kalamidad.
DISASTER PREVENTION AND MITIGATION

Isinasagawa ang Disaster Risk


Assessment kung saan nakapaloob
dito ang Hazard Assessment,
Vulnerability Hazard, at Risk
Assessment.
DISASTER PREVENTION AND MITIGATION

Tinataya naman ang kakayahan at


kapasidad ng isang komunidad sa
pamamagitan ng Capacity
Assessment.
DISASTER PREVENTION AND MITIGATION

Sa bahaging ito ng disaster


management plan, tinataya ang mga
hazard at kakayahan ng pamayanan
sa pagharap sa iba’t ibang suliraning
pangkapaligiran.
Tanong:

Bakit kailangang mauna ang


pagsasagawa ng pagtataya sa yugto
ng Prevention and Mitigation?
HAZARD ASSESSMENT
Ito ay tumutukoy sa pagsusuri sa
lawak, sakop, at pinsala na maaaring
danasin ng isang lugar kung ito ay
mahaharap sa isang sakuna o
kalamidad sa isang partikular na
panahon.
HAZARD ASSESSMENT
Sa pamamagitan nito, natutukoy kung
ano-ano ang mga hazard na gawa ng
kalikasan o gawa ng tao na maaaring
maganap sa isang lugar. Sa pagsasagawa
ng hazard assessment, dapat bigyang
pansin ang Pisikal at Temporal na
Katangian nito.
Pisikal na Katangian ng Hazard
Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at kung paano ito
Pagkakakilanlan
umusbong sa isang lugar.

Katangian Pag-alam sa uri ng hazard

Intensity Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard

Lawak Pag-aaral tungkol sa sakop at tagal ng epekto ng hazard

Saklaw Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan o maapektuhan ng hazard

Predictability Panahon kung kalian maaaring maranasan ang isang hazard

Pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard upang mabawasan


Manageability
ang malawakang pinsala.
HAZARD ASSESSMENT
Mahalagang maunawaan ng isang komunidad
ang mga pisikal na katangian ng hazard sa
kanilang lugar upang maging malinaw ang
mabubuong hazard assessment. Bukod dito,
ang impormasyon na maibibigay sa pagtukoy
sa mga pisikal na katangian ng hazard ay
magdudulot ng higit na ligtas na pamayanan.
Temporal na Katangian ng Hazard
Dalas ng pagdanas ng hazard. Maaaring ang hazard ay nagaganap taon-taon, isang
Frequency
beses sa loob ng lima o sampung taon o kaya ay biglaan lamang.

Pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard. Maaaring ito ay


Duration panandalian lamang tulad ng lindol; sa loob ng ilang araw tulad ng baha o kaya
ay buwan tulad ng digmaang sibil.

Bilis ng pagtama ng isang hazard. Maaaring mabilisan o walang babala tulad ng


Speed of Onset
lindol o kaya ay may pagkakataon na magbigay ng babala tulad ng bagyo o baha.

Forewarning Tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtama nito sa isang komunidad.

Maaaring natural tulad ng hazard na dala ng hangin, tubig tulad ng malakas na


pagbuhos ng ulan, baha, pag-apaw ng ilog, flashflood, tidal wave at storm surge,
lupa tulad ng landslide at lahar; apoy tulad ng pagkasunog ng kagubatan o
Force kabahayan; seismic tulad ng lindol at tsunami; gawa ng tao tulad ng conflict gaya
ng digmaang sibil, rebelyon, at pag-aaklas; industrial/technological tulad ng
polusyon, pasabog, pagtagas ng nakalalasong kemikal at iba pang hazard tulad ng
taggutom, tagtuyot, at pagsalakay ng peste sa mga pananim.
Matapos maunawaan ang mga pisikal at
temporal na katangian ng hazard na maaaring
maranasan sa isang komunidad, maaarin nang
isagawa ang dalawang mahalagang proseso sa
paggawa ng hazard assessment: ang HAZARD
MAPPING at HISTORICAL PROFILING/TIMELINE
OF EVENTS.
HAZARD MAPPING
Ito ay isinasagawa sa pamamagitan
ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na
maaaring masalanta ng hazard at ang
mga element tulad ng gusali,
taniman at kabahayang maaaring
mapinsala.
HISTORICAL PROFILING/TIMELINE OF EVENTS

Dito ay gumagawa ng historical


profile o timeline of events upang
makita kung ano-ano ang mga hazard
na nararanasan sa isang komunidad,
gaano kadalas, at kung alin sa mga
ito ang pinakamapaminsala.
Hazard Assessment(Historical Profile)
Speed of
Hazard Type Frequency Duration Forewarning Force When
Onset

Flood

Drought

Earthquake

Landslide

Civil War

Pollution

Volcanic
VULNERABILITY at
CAPACITY ASSESSMENT(VCA)
Sinusukat nito ang kahinaan at
kapasidad ng isang komunidad sa
pagharap sa iba’t ibang hazard na
maaaaring maranasan sa kanilang
lugar.
VULNERABILITY ASSESSMENT
Tumataya sa kahinaan o kakulangan
ng isang tahanan o komunidad na
harapin o bumangon mula sa
pinsalang dulot ng hazard.
CAPACITY ASSESSMENT
Sumusukat sa kakayahan ng
komunidad na harapin ang iba’t
ibang uri ng hazard.
VULNERABILITY
Mayroong tatlong kategorya ang
Vulnerability:
1. Pisikal o materyal
2. Panlipunan
3. Pag-uugali tungkol sa hazard
PISIKAL o MATERYAL
Tumutukoy sa mga materyal na yaman
tulad ng suweldo mula sa trabaho, pera
sa bangko at mga likas na yaman. Ang
kawalan o kakulangan nito ay
nangangahulugan na ang isang komunidad
ay vulnerable o maaaring mapinsala kung
ito ay makaranas ng hazard.
Halimbawa:
•Di sapat na kita
•Pagkakaroon ng utang
•Kakulangan ng sapat na kakayahan
at edukasyon
•Kawalan ng pangunahing serbisyo.
PANLIPUNAN
Tumutukoy sa pagiging vulnerable
o kawalan ng kakayahan ng grupo ng
tao sa isang lipunan
Kasama rn dito ang pagiging
vulnerable ng institusyong
panlipunan tulad ng pamahalaan
Halimbawa:
•Kawalan ng pagkakaisa ng mga miyembro,
ng mga mamamayan
•Hindi maayos na ugnayan sa pagitan ng
mamamayan at pamahalaan
•Kawalan ng maayos na sistema ng
pamahalaan tungkol sa Disaster
Management
PAG-UUGALI TUNGKOL SA HAZARD
May mga paniniwala at gawi ang
mga mamamayan na nakahahadlang
sa pagiging ligtas ng isang
komunidad. Bunga nito, nagiging
vulnerable ang isang komunidad.
Halimbawa:
•Kawalan ng interes sa mga programa ng
pamahalaan
•Pagiging negatibo sa mga pagbabago
•Kawalan ng sapat na kaalaman tungkol sa
hazard sa kanilang komunidad
•Pagiging palaasa sa pamahalaan at sa tulong
ng pribadong sektor
VULNERABILITY ASSESSMENT
Sa pagsasagawa nito, kailangang
suriin ang mga sumusunod:
1. Elements at Risk
2. People at Risk
3. Location of People at Risk
ELEMENTS AT RISK
Ito ay tumutukoy sa tao, hayop, mga
pananim, bahay, kasangkapan,
imprastruktura, kagamitan para sa
transportasyon at komunikasyon, at
pag-uugali.
PEOPLE AT RISK
Ito ay tumutukoy sa mga grupo ng tao
na maaaring higit na maapektuhan ng
kalamidad.
LOCATION OF PEOPLE AT RISK
Ito ay tumutukoy sa lokasyon o
tirahan ng mga taong natukoy na
vulnerable.
RISK ASSESSMENT
Kung ang disaster prevention ay
tumutukoy sa pag-iwas sa mga hazard
at kalamidad, sinisikap naman ng
mga gawain sa disaster mitigation na
mabawasan ang malubhang epekto
nito sa tao, ari-arian at kalikasan.
RISK ASSESSMENT
Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na
dapat gawin bago ang pagtama ng
sakuna, kalamidad at hazard na may
layuning maiwasan o mapigilan ang
malawakang pinsala sa tao at
kalikasan (Ondiz at Redito).
Dalawang uri ng MITIGATION:
1. Structural Mitigation
2. Non Structural Mitigation
STRUCTURAL MITIGATION:
Tumutukoy sa mga paghahandang
ginagawa sa pisikal na kaanyuan ng
isang komunidad upang ito ay maging
matatag sa panahon ng pagtama ng
hazard.
Halimbawa:
•Pagpapagawa ng dike upang mapigilan ang
pagbaha
•Paglalagay na mga sandbags
•Pagpapatayo ng mga flood gates
•Pagpapatayo ng earthquake-proof buildings
•Pasisiguro na may fire exit ang mga
ipinatatayong gusali
NON STRUSTURAL MITIGATION:
Tumutukoy sa mga ginagawang plano
at paghahanda ng pamahalaan upang
maging ligtas ang komunidad sa
panahon ng pagtama ng hazard.
Halimbawa:
•Pagbuo ng disaster management plan
•Pagkontrol sa kakapalan ng populasyon
•Paggawa ng mga ordinansa at batas
•Information dissemination
•Hazard assessment
KAHALAGAHAN NG
DISASTER RISK ASSESSMENT
KAHALAGAHAN NG
DISASTER RISK ASSESSMENT
Ayon kina Ondiz at Redito(2009), ang
sumusunod ay mga dahilan kung bakit
mahalaga ang pagsasagawa ng risk
assessment:
KAHALAGAHAN NG
DISASTER RISK ASSESSMENT
1. Nagiging sistematiko ang pagkalap
ng datos sa pagtukoy, pagsusuri, at
pagtatala sa mga hazard na dapat
unang bigyang pansin.
KAHALAGAHAN NG
DISASTER RISK ASSESSMENT
2.Nagiging mulat ang mga mamamayan sa
mga hazard na mayroon sa kanilang
komunidad na noon ay hindi nila alam. Sa
pamamagitan ng risk assessment ay
nagkakaroon ng mas matibay na batayan
ang maaaring maging epekto ng hazard sa
kanilang komunidad.
KAHALAGAHAN NG
DISASTER RISK ASSESSMENT
3. Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng
disaster risk reduction and management
plan. Nagiging gabay sa pagbuo ng mga
polisiya, programa, proyekto, at
istratehiya upang maging handa ang
komunidad sa pagharap sa ibat ibang
hazard.
KAHALAGAHAN NG
DISASTER RISK ASSESSMENT
4. Nagbibigay ng impormasyon at
datos na magagamit sa pagbuo ng
plano at magsisilbing batayan sa
pagbuo ng akmang istratehiya sa
pagharap sa mga hazard.
KAHALAGAHAN NG
DISASTER RISK ASSESSMENT
5. Isa sa mahalagang produkto ng risk
assessment ay ang pagtatala ng mga
hazard at pagtukoy kung alin sa mga
ito ang dapat bigyan ng prayoridad o
higit na atensyon. Ito ay tinatawag na
Prioritizing Risk.
IKALAWANG YUGTO:
DISASTER PREPAREDNESS
DISASTER PREPAREDNESS
Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o
dapat gawin bago at sa panahon ng
pagtama ng kalamidad, sakuna o
hazard.
DISASTER PREPAREDNESS
Mahalagang malaman ng mga
miyembro ng pamilya, ng mga
mamamayan at sa komunidad, at
maging ng mga kawani ng
pamahalaan ang mga dapat gawin sa
panahon ng sakuna o kalamidad.
DISASTER PREPAREDNESS
Dapat ring maliwanag sa bawat sektor ng
lipunan ang kanilang gagawin upang
magkaroon ng koordinasyon at maiwasan
ang pagkalito at pagkaantala na maaari
pang magdulot ng dagdag na pinsala o
pagkawala ng buhay.
DISASTER PREPAREDNESS
Bago tumama at maging sa panahon ng
kalamidad, napakahalaga ang pagbibigay ng
paalala at babala sa mga mamamayan. Ito ay
may tatlong pangunahing layunin:
1. To inform
2. To advise
3. To instruct
TO INFORM
Magbigay kaalaman tungkol sa mga
hazard, risk,capability at pisikal na
katangian ng komunidad.
TO ADVISE
Magbigay ng impormasyon tungkol sa mga
gawain para sa proteksiyon, paghahanda,
at pag-iwas sa mga sakuna,kalamidad at
hazard.
TO INSTRUCT
Magbigay ng mga hakbang na dapa gawin,
mga ligtas na lugar na dapat puntahan,
mga opisyales na dapat hingan ng tulong
sa oras ng sakuna, kalamidad at hazard.
DISASTER PREPAREDNESS
May iba’t ibang paraan ang bawat komunidad
sa pagbibigay ng paalala o babala. Ito ang
mga sumusunod:
Barangay assembly
Flyers
Poster o billboard
Patalastas sa telebisyon, radio at pahayagan
DISASTER PREPAREDNESS
Bukod sa pagbibigay ng paalala o babala,
binibigyan din ng sapat na impormasyon at
pag-unawa ang mga mamamayan sa dapat
nilang gawin bago, habang, at pagkatapos ng
hazard at kalamidad upang maihanda sila sa
possibleng epekto nito.
IKATLONG YUGTO:
DISASTER RESPONSE
DISASTER RESPONSE
Sa pagkakataong ito ay tinataya
kung gaano kalawak ang pinsalang
dulot ng isang kalamidad.
DISASTER RESPONSE
Nakapaloob dito ang tatlong uri
ng pagtataya:
1. Needs Assessment
2. Damage Assessment
3. Loss Assessment
NEEDS
Pangangailangan ng mga biktima
ng kalamidad tulad ng pagkain,
tahanan, damit, at gamot.
DAMAGE
Tumutukoy sa bahagya o
pangkalahatang pagkasira ng mga
ari-arian dulot ng kalamidad.
LOSS
Tumutukoy sa pansamantalang
pagkawala ng serbisyo at
pansamantala o pangmatagalang
pagkawala ng produksiyon.
Ang damage at loss ay
magkaugnay dahil ang loss ay
resulta ng mga produkto, serbisyo
at imprastruktura na nasira.
Mahalagang maunawaan na sa yugtong ito ay
napakahalaga ng koordinasyon ng lahat ng
sektor ng lipunan na kasama din sa
pagsasagawa ng una at ikalawang yugto.
Mahalaga rin ang kaligtasan ng bawat isa kaya
sa pagsasagawa ng Disaster Response ay dapat
isaalang-alang ng mga mamamayan ang
kanilang kakayahan sa pagsasagawa nito.
DISASTER REHABILITATION and RECOVERY

Sa yugtong ito ang mga hakbang at gawain


ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga
nasirang pasilidad at istruktura at mga
naantalang pangunahing serbisyo upang
manumbalik sa dating kaayusan at normal
na daloy ang pamumuhay ng isang
nasalantang komunidad.
PRELIMINARY GUIDANCE NOTE
Ito ay tungkol sa pagpapakilala ng
Cluster Approach na naglalayong
mapatatag ang ugnayan ng iba’t
ibang sektor ng lipunan.
PRELIMINARY GUIDANCE NOTE
Ito ay ipinalabas ng Inter-Agency Standing
Committee(IASC) na binubuo ng iba’t
ibang NGO, Red Cross at Red Crescent
Movement, International Organization for
Migration(IOM), World Bank at mga
ahensya ng United Nations.
CLUSTER APPROACH
Ginamit na batayan ng National
Disaster Coordinating Council(NDCC)
ang Cluster Approach sa pagbuo ng
Sistema para sa pagharap sa mga
sakuna, kalamidad, at hazard sa
Pilipinas.
CLUSTER APPROACH
Noong Mayo 10, 2017, ipinalabas ang
NDCC Circular No. 5-2007, ito ay
isang direktibo na nagpapatatag
Cluster Approach sa pagbuo ng mga
Disaster Management System sa
Pilipinas.
Ayuda Albay Coordinating Task
Force- Bagyong Reming
Albay Mabuhay Task Force-
pagtugon at rehabilitasyon ng
lalawigan sa panahon ng kalamidad
Albay Mabuhay Task Force
Pagbuo ng iba’t ibang cluster sa bawat
barangay, bayan at komunidad
Pagpapatatag ng seguridad at suplay ng
pagkain at pangunahing pangangailangan
Pagpapasigla ng information campaign
Pagpapayabong ng mga gawaing
pangkabuhayan sa mga nasalantang lugar
Albay Mabuhay Task Force
Nakita ang pagiging epektibo ng nasabing
programa dahil idineklara ng Albay ang ZERO
CASUALTY sa kabila ng pagtama ng malakas na
bagyong Glenda noong Hulyo 2014.
Nagpapatunay ito na kung magkakaroon
ng maayos na sistema ng disaster
management ang isang lugar ay maaaring
maiwasan ang malawakang pinsala sa
panahon ng kalamidad.
Higit sa maayos na Sistema, nakita rin sa Albay
ang partisipasyon ng mga mamamayan, NGO, at
iba pang sektor ng lipunan sa pagpaplano at
implementasyon ng kanilang disaster management
plan. Samakatuwid, ang yugto ng Recovery ay
nakasalalay rin sa kung paano binuo ng isang
komunidad ang kanilang disaster management plan
na bahagi ng yugto ng Preparation.
Makikita dito na kailangan ay may sapat na
kaalaman at partisipasyon ang pamahalaan,
iba’t ibang sektor ng lipunan, NGO, at mga
mamamayan sa pagbuo ng DRRM plan upang
ito ay maging matagumpay.
Ulat nina:
Paul Anthony F. Prieto
Kim Anjho H. Diaz
Ma. Elaine F. Luchavez
Kim D. Carbonilla
10- Wisdom

You might also like