You are on page 1of 47

Isang engkantadong

ibon. Ito ay
nagpapahinga sa
punong may mga pilak
na dahon kung
sumasapit ang
hatinggabi.
Umaawit ito ng
pitong beses at sa
bawat awit nito ay
nag-iiba ng anyo ang
kanyang mga
plumahe.
At sinumang naghihintay
sa kanya ay napipilitang
makatulog sa pitong ulit
na pag-awit na ginagawa
niya. Pagkatapos ng
pitong awit ay
magbabawas ang Ibong
Adarna bago matulog.
Mahiwaga ang kanyang
awit at
nakapagpapagaling ng
anumang karamdaman sa
sinumang makadinig nito,
ngunit ang mapatakan ng
kanyang dumi ay
nagiging bato.
Kinikilalang isang haring
makatarungan at
makatuwiran. Hinahangaan
nang labis ang kanyang
mahusay na pamamahala sa
Berbanya dahil sa payapang
namumuhay ang mga
mamamayan sa maunlad na
kaharian.
Ang butihing asawa ni Don
Fernando at ina ng tatlong
magigiting na prinsipe ng
Berbanya na sina Don Pedro,
Don Diego, at Don Juan. Ang
kanyang kahinahunan ay lalong
nagdulot ng kabutihan upang
ang Hari ng Berbanya ay higit na
maging makatarungan at
matalino sa pamamalakad sa
kaharian.
Ang panganay na anak ng Hari
at Reyna ng Berbanya. Isa
siyang magiting na mandirigma.
Likas ang angking galing at
talino na taglay ng isang
prinsipeng tagapagmana ng
korona, subalit likas din ang
kanyang angking kabuktutan at
ang lihim na inggit.
Naghahangad na sumunod na
maging hari ng Berbanya.
Ang pangalawang anak ng Hari at Reyna ng
Berbanya. Isang prinsipeng sunud-sunuran
sa kapatid na si Don Pedro. Tulad ng
panganay na kapatid, siya ay bihasa rin sa
paghawak ng armas. Bagama’t may angking
talino sa pamumuno at may kakayahan ding
tanghaling tagapagmana ng korona ay
naging sunud-sunuran si Don Diego sa
panganay na kapatid kaya’t nawalan ng
sariling desisyon. Si Don Diego ay nalilihis
ng landas dahil sa kabuktutan ni Don Pedro.
Ang pinakanatatanging prinsipe, ang
bunsong anak ng hari at reyna. Siya
ang prinsipeng matuwid at nagmana
ng pagiging makatarungan at
makatuwiran ng amang hari. Likas
sa puso ang kabutihan kaya’t
nagawang linlangin ng dalawang
kapatid na may buktot na hangarin.
Ang likas na kabutihang taglay ang
nagligtas kay Don Juan sa mga
kapahamakang nasusuungan.
Ang kapatid ni
Donya Leonora at
prinsesang iniligtas
ni Prinsipe Juan
mula sa higanteng
nagbabantay sa
kanya.
Ang bunsong kapatid
ni Donya Juana at
iniligtas ni Don Juan
mula sa serpyenteng
may pitong ulo na
tagapagbantay niya.
Ang prinsesa ng
Reyno Delos Cristal.
May taglay ding
kapangyarihang
mahika na higit pa
sa kanyang ama na
si Haring Salermo.
Hari sa kaharian
ng Delos Cristal
(Kaharian ng mga
Kristal) at ama ni
Donya Maria
Blanca. May taglay
na mahikang itim.
Ang matandang may
mahigpit na bilin na
makipagkita muna si Don
Juan sa ermitanyo na
naninirahan sa isang
kuweba sa Bundok Tabor
bago pa man niya
pangahasang hulihin ang
Ibong Adarna.
Siya ang nagsabi na ang Ibong
Adarna ang solusyon sa nangyayari
kay Haring Fernando. Siya rin ay
nagsabi na ito ay matatagpuan sa
Bundok Tabor sa puno ng Piedras
Platas. Sinabi rin niya na sa umaga,
hindi siya makikita sa Piedras Platas
dahil naghahanap ang Ibong Adarna
ng pagkain, kasama ang ibang mga
ibon. Sa gabi lang umuuwi ang Ibong
Adarna sa kanyang puno.
Nagsimula na sumulat ng Ibong Adarna sa
pamamagitan ng pagbati at pagpuri kay
Birheng Maria. Sabi ng manunulat si Birheng
Maria ay nagbubukas ng kanyaNg pag-iisip
para hindi siya magkaroon ng pagkakamali
sa kanyang sinusulat dahil siya ay mortal
lamang at ang katawan at isip niya ay
mahina. Ikinumpara niya ang kanyang sarili
sa isang bangkang naglalayag at nakarating
sa isang bahagi ng dagat kung saan hindi na
niya kaya maglayag pa. Humingi siya ng
gabay sa Inang Birheng para magkaroon ng
patutunguhan ang kanyang buhay. Ninais din
niya na sana ay pakinggan ng Birheng Maria
ang kanyang nilikhang korido.
Si Don Fernanado, ang hari ng Berbanya, ay mabait at iginagalang ng
lahat, mahirap man o mayaman. Mataas ang pagtingin sa kanya ng mga
hari sa ibang kaharian. Ang kanyang asawa ay si Donya Valeriana. Siya
ay sobrang ganda at walang katulad sa bait. Mayroon silang tatlong
anak: Si Don Pedro ang panganay, si Don Diego ang pangalawa at si
Don Juan naman ang bunso. Si Don Pedro ay may magandang tindig. Si
Don Diego naman ay may pagkamahiyain at mahinahon magsalita. Si
Don Juan naman ay napakabait at sobrang mapagmahal. Silang talo ay
mahal na mahal ng kanilang mga magulang. Isang araw, itinanong ni
Haring Fernando kung ano ang gusto nilang maging pagdating ng
panahon. Pinapili sila kung gusto nilang maging hari o maging pari.
Lahat sila ay nagnais na maging hari
kung kaya’t sila ay hinasa sa paggamit ng armas.
Naging maganda ang Berbanya dahil sa mabuting pamumuno ni haring
Fernando. Ngunit isang gabi ay nagkaroon ng masamng panaginip ang
hari. Si Don Juan daw ay napahamak at pinatay ng dalawang tao.
Matapos na mapatay si Don Juan, ang katawan nito ay inihagis sa isang
balon. Nagising ang hari dahil sa labis na kalungkutan. Nagkasakit siya
ng maulbha at naging mahina ang pangangatawan. Walang makaalam
kung ano ang naging sakit ng hari maliban sa isang manggagamot. Ang
sakit daw ng hari ay dahil sa kanyang masamang panaginip. Ang
tanging magiging kagamutan ay ang awit ng Ibong Adarna na nakatira
sa Bundok Tabor.Ito ay tumitigil sa Piedras Platas at tumitigil lamang
doon kung gabi. Agad na inutusan ng hari si Don Pedro na magpunta sa
bundok at kunin ang ibon.
Agad sinunod ni Don Pedro ang utos ng ama.
Sakay siya ng isang kabayo at naglakbay sa
loob ng tatlong buwan para marating ang
Bundok Tabor. Nakita niya ang isang
punongkahoy, ang Piedras Platas, na
kumikislap na parang diyamate. Mayabong at
bukod tangi ang mga dahon ng puno.
Nagpahinga siya sa ilalim ng puno kahit
walang mga ibon na dumadapo sa puno.
Noong nakatulog siya dumating na ang Ibong
Adarna. Umawit ang Ibon Adarna ng pitong
beses at nagbago ang balahibo ng pitong
beses. Dumumi ang ibon at napatakan si Don
Pedro at naging bato ito.

You might also like