You are on page 1of 16

MGA HAMON SA

KASARINLAN NG
PILIPINAS
P R E PA R E D B Y G R O U P 2 G R A D E 6 - S S C
MAHALAGANG TANONG
Paano hinarap ng mga Pilipino
ang pangunahing suliranin at
hamon sa kasarinlan ng bansa
pagkatapos ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig?
HAMON AT SULIRANIN SA KASARINLAN PAGKATAPOS
NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG
Labis ang pinsalang natamo ng Pilipinas dulot ng nagdaang
digmaang pandaigdig. Kaya ng maging isang ganap na Republika
ang Pilipinas noong 1946, naharap ito sa malaking suliranin tulad
ng mga ss:
1. Pagsasagawa ng malawakang pagbabagong-tatag
upang muling maibangon at maitayo ang mga nawasak
na mga tirahan at gusali.
2. Pagresolba sa pagkakaroon ng malaking
kakulangan sa mga hayop na gagamitin sa
pagsasaka na nangamatay sanhi ng digmaan.
3. Pagsasaayos ng mga taniman at sakahan upang
muling mapakinabangan at mataniman
4. Paglutas sa suliranin sa salapi dulot ng
pagkabangkarote ng pamahalaan sanhi ng
pananakop ng Hapones
5. Pagsasaayos ng mga industriyang nasira sa
pamamagitan ng pang-aangkat ng mga bagong
makinarya
6. Pag-aangkop ng Sistema ng Edukasyon sa
bagong kalayaan ng bansa
7. Pag-aangat sa pagpapahalagang-moral at
espiritwal ng mga Pilipinong lubos na naapektuhan
sanhi ng giyera.
SULIRANING PANGKABUHAYAN AT PANLIPUNAN
• Tinatayang pangalawa ang Pilipinas sa Warsaw, Poland sa
lawak ng pinsalang natamo nang bagsakan ito ng bomba
noong digmaan. Nasunog ang ilang gusali sa Maynila tulad
ng Philippine General Hospital (PGH), Unibersidad ng
Pilipinas (UP) at Batasan.
• Ang Intramuros na kinagawiang sentro ng kultura at
politika ay naging bodega ng mga kompanyang
nagkakargamento at naging tirahan ng mga informal
settler na galing sa probinsya.
• Maraming tao ang galing probinsya na nagsilipat sa Maynila
sa pag-aakalang magiging maganda ang kanilang buhay
dito
• Maraming tao ang nagtayo ng tirahan sa mga
estero, tabi ng riles ng tren, gilid ng parke,
ilalim ng tulay, at sa mga bakanteng loteng
pag-aari ng bayan o pribadong mamamayan.
Laganap ang problema sa isyu ng “squatting”
• Dahil dito, nagsikip ang Kamaynilaan at ang Lungsod
Quezon (Quezon City)
• Upang masolusyunan ang problemang ito, itinatag
ng pamahalaan ang Pambansang Pangasiwaan
ng Paglilipat-tirahan at Pagsasaayos (National
Resettlement and Rehabilitation
Administration o NARRA)
• Ang samahang ito ang nangasiwa sa paglilipat ng
UGNAYANG PILIPINO-AMERIKANO SA ISYUNG PANGMILITAR
AT KALAKALAN AT REAKSIYON NG MGA PILIPINO
PHILIPPINE REHABILITATION ACT
• Dahil sa pinsalang dulot ng digmaan,
napilitan si Pangulong Manuel Roxas na
tanggapin ang tulong pinansiyal na
pinagkaloob ng mga Amerikano. Pinagtibay
ng Kongreso ang Philippine Rehabilitation
Act kung saan ipinagkaloob ng mga
Amerikano ang halagang $620 milyon.
• Inilaan ang $120 milyon sa
pagpapagawa ng mga tulay, kalsada at
iba pang impraestrukturang
kailangan para maayos ang pamumuhay
ng mga mamamayan. Ang $100 milyon
para sa kagamitang military. Ang
$400 ay para sa iskolarship ng mga
Pilipinong ipapadala sa US upang mag-
aral. Ang matututuhan nila ay gagamitin
sa pagpapabuti ng kalagayan ng bansa
BELL TRADE ACT AT PARITY RIGHTS
• Naglaan din ng halagang $800 milyon bilang bayad-pinsala
sa mga ari-arian ng mga sibilyang naapektuhan ng digmaan.
Para makuha ito pinatibay ang Bell Trade Act o ang
malayang kalakalan sa pagitan ng Amerika at Pilipinas
sa loob ng walong taon mula 1946 hanggang 1954.
• Hindi patas ang kasunduan dahil malayang nadadala ng
US ang mga kalakal sa Pilipinas. Samantalang ang Pilipinas
ay may kota ang mga pangunahing kalakal.
• Itinakda rin ang Parity Rights – ang
magkaroon ng pantay na karapatan ang mga
Amerikano sa mga Pilipino na magnegosyo sa
bansa.
• Maituturing itong labag sa batas dahil ayon
sa ating Saligang Batas ang dayuhan ay dapat
60 porsiyento ng negosyo ay pag-aari ng
Pilipino sa mga negosyong nagbibigay ng
serbisyo sa publiko tulad ng edukasyon,
telekomunikasyon at elektrisidad.
SA PALAGAY NINYO...

Sa palagay ninyo, patas ba


at makatarungan ang Parity
Rights at Bell Trade Act?
Bakit?
KASUNDUANG BASE MILITAR
*Isa pang ginawa ni Pangulong Manuel Roxas na
nagbigay ng higit pang kapangyarihan sa Amerika na
mahawakan ang bansa ay ang paglagda niya sa
Military Bases Agreement (MBA) noong Marso
14, 1947. Ito ay ang pananatili ng 23 base-military
ng Amerika sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas gaya
ng Clark Air Base sa Pampanga, Subic Naval Base sa
Olongapo, Zambales at Camp John Hay sa Baguio.
*Ang Military Assistance Agreement naman ay ang
karapatan ng US na tumulong sa pamamahala at
pagpaplano sa kagamitang pangmilitar ng AFP at
pagtustos ng armas. Nilagdaan ito noong Marso 21,
1947.
REAKSIYON NG MGA PILIPINO

Umani ng matinding batikos ang mga


administrasyong Roxas. Para sa marami ay
naging Pro-American si Roxas na nagbigay
daan sa neocolonialism – isang paraan ng
panghihimasok ng malakas na bansa sa
pamamagitan ng panggigipit sa ekonomiya at
politika at makontrol o maimpluwensiyahan
ang kalayaan.
Dahil dito tumindi ang colonial mentality ng

You might also like