matatagpuan sa peninsula o tangway ng Bikol. Tangway o
peninsula ang tawag sa isang anyong-lupang may bahaging nakaungos at napapaligiran ng tubig. Ito ay binubuo ng anim na lalawigang nasa pinakatimog ng Luzon. Ang mga lupain sa Rehiyon V ay bako-bako, makikitid, at napaliligiran ng tubig. Sa silangan ay makikita ang Karagatang Pasipiko, Dagat Sibuyan sa kanluran, Dagat Visayas sa timog, at lalawigan ng Quezon sa hilaga. Maraming look, magagandang pangisdaan, at angkop na daungan ang rehiyon. Ilan sa mga ito ay ang Dagat Sibuyan at ang Dagat Lagusan. May mga lawa, ilog, bukal, at mga talon ding makikita rito gaya ng lawa ng Buhi at Bato na nasa Camarines Sur at Donsol ng Sorsogon; bukal ng Tiwi sa Albay; at mga talong makikita sa Bugsukan, Malabsay, Busay at Manuat. MAKIKITA ANG MALAWAK NA KAPATAGAN NG REHIYON SA CAMARINES SUR,SORSOGON,AT ALBAY.MAKIKITA RIN DITO ANG BUNDOK ISAROG AT CAMARINES AT ANG BUNDOK BULUSAN SA SORSOGON.NGUNIT ANG PINAKATANYAG NA TANAWIN SA LUGAR NA ITO AY ANG BULKANG MAYON NA ITINUTURING NA ISA SA PINAKAAKTIBONG BULKAN SA PILIPINAS.ANG BULKANG ITO NA MAY PERPEKTONG KONO AY SINASABING PUMUPUTOK TUWING SAMPUNG TAON.