You are on page 1of 14

KAYARIAN NG

SALITA
1. PAYAK
- payak ang salita kung wala itong panlapi,
walang katambal, at hindi inuulit.

Halimbawa:
anak bahay
kapatid
2. MAYLAPI
- maylapi ang kayarian ng salita kung
binubuo ito ng salitang-ugat na may
kasamang panlapi.
Ang mga ss. ang mga panlaping
ikinakabit sa salita:
A. Unlapi – panlaping kinakabit sa unahan
ng salita.

Halimbawa:
maginhawa, umasa, nagsisi
B. Gitlapi – panlaping nasa gitna ng salita.

Halimbawa:
tumawa, tinapos
C. Hulapi – panlaping ikinakabit sa hulihan
ng salita.

Halimbawa:
usapan, mithiin
D. Kabilaan – panlaping ikinakabit sa unahan at
hulihan ng salita.

Halimbawa:
kabaitan, patawarin
E. Laguhan – panlaping ikinakabit sa unahan, gitna
at hulihan ng salita

Halimbawa:
Pinagsumikapan, magdinuguan
3. INUULIT
- Inuulit ang kayarian ng salita kapag ang kabuoan o
isa o higit pang pantig sa dakong unaahan ay inuulit.

May iba’t ibang uri ng pag-uulit.


Inuulit na ganap – buong salitang-ugat ang inuulit.
Halimbawa:
gabi-gabi
Inuulit na parsiyal – isang pantig o bahagi
lamang ng salita ang inuulit.
Halimbawa:
lilima, pupunta
Magkahalong ganap at parsiyal – buong salita
at isang bahagi ng pantig ang inuulit

Halimbawa:
iilan-ilan, tutulog-tulog
4. TAMBALAN
- Tambalan ang kayarian ng salita kung ito ay
binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para
makabuo ng isang salita lamang.

May dalawang uri ng tambalan:


Tambalang di ganap – kapag ang kahulugan ng
salitang pinagtatambal ay nananatili.
Hal. tulay-bitin, bahay-kubo, kuwentong-bayan
Tambalang ganap – kapag nakabubuo ng ibang
kahulugan kaysa sa kahulugan ng dalawang
salitang pinagsama.

Hal. dalagambukid, bahaghari

You might also like