You are on page 1of 60

Isang engkantadong

ibon. Ito ay
nagpapahinga sa puno
ng Piedras Platas may
mga pilak na dahon
kung sumasapit ang
hatinggabi.
Umaawit ito ng
pitong beses at sa
bawat awit nito ay
nag-iiba ng anyo ang
kanyang mga
plumahe.
At sinumang naghihintay
sa kanya ay napipilitang
makatulog sa pitong ulit
na pag-awit na ginagawa
niya. Pagkatapos ng
pitong awit ay
magbabawas ang Ibong
Adarna bago matulog.
Mahiwaga ang kanyang
awit at
nakapagpapagaling ng
anumang karamdaman sa
sinumang makadinig nito,
ngunit ang mapatakan ng
kanyang dumi ay
nagiging bato.
Kinikilalang isang haring
makatarungan at
makatuwiran. Hinahangaan
nang labis ang kanyang
mahusay na pamamahala sa
Berbanya dahil sa payapang
namumuhay ang mga
mamamayan sa maunlad na
kaharian.
Ang butihing asawa ni Don
Fernando at ina ng tatlong
magigiting na prinsipe ng
Berbanya na sina Don Pedro,
Don Diego, at Don Juan. Ang
kanyang kahinahunan ay lalong
nagdulot ng kabutihan upang
ang Hari ng Berbanya ay higit na
maging makatarungan at
matalino sa pamamalakad sa
kaharian.
Ang panganay na anak ng Hari
at Reyna ng Berbanya. Isa
siyang magiting na mandirigma.
Likas ang angking galing at
talino na taglay ng isang
prinsipeng tagapagmana ng
korona, subalit likas din ang
kanyang angking kabuktutan at
ang lihim na inggit.
Naghahangad na sumunod na
maging hari ng Berbanya.
Ang pangalawang anak ng Hari at Reyna ng
Berbanya. Isang prinsipeng sunud-sunuran
sa kapatid na si Don Pedro. Tulad ng
panganay na kapatid, siya ay bihasa rin sa
paghawak ng armas. Bagama’t may angking
talino sa pamumuno at may kakayahan ding
tanghaling tagapagmana ng korona ay
naging sunud-sunuran si Don Diego sa
panganay na kapatid kaya’t nawalan ng
sariling desisyon. Si Don Diego ay nalilihis
ng landas dahil sa kabuktutan ni Don Pedro.
Ang pinakanatatanging prinsipe, ang
bunsong anak ng hari at reyna. Siya
ang prinsipeng matuwid at nagmana
ng pagiging makatarungan at
makatuwiran ng amang hari. Likas
sa puso ang kabutihan kaya’t
nagawang linlangin ng dalawang
kapatid na may buktot na hangarin.
Ang likas na kabutihang taglay ang
nagligtas kay Don Juan sa mga
kapahamakang nasusuungan.
Ang kapatid ni
Donya Leonora at
prinsesang iniligtas
ni Prinsipe Juan
mula sa higanteng
nagbabantay sa
kanya.
Ang bunsong kapatid
ni Donya Juana at
iniligtas ni Don Juan
mula sa serpyenteng
may pitong ulo na
tagapagbantay niya.
Ang prinsesa ng Reyno
Delos Cristales. May
taglay ding
kapangyarihang
mahika na higit pa sa
kanyang ama na si
Haring Salermo.
Hari sa kaharian
ng Delos Cristal
(Kaharian ng mga
Kristal) at ama ni
Donya Maria
Blanca. May taglay
na mahikang itim.
Ang matandang may
mahigpit na bilin na
makipagkita muna si Don
Juan sa ermitanyo na
naninirahan sa isang
kuweba sa Bundok Tabor
bago pa man niya
pangahasang hulihin ang
Ibong Adarna.
Siya ang nagsabi na ang Ibong
Adarna ang solusyon sa nangyayari
kay Haring Fernando. Siya rin ay
nagsabi na ito ay matatagpuan sa
Bundok Tabor sa puno ng Piedras
Platas. Sinabi rin niya na sa umaga,
hindi siya makikita sa Piedras Platas
dahil naghahanap ang Ibong Adarna
ng pagkain, kasama ang ibang mga
ibon. Sa gabi lang umuuwi ang Ibong
Adarna sa kanyang puno.
Siya ay kasunod sa hari.
Sinabi niya na dapat si
Donya Leonora ay
ikakasal kay Don Juan at
hindi si Maria Blanca,
pero sa wakas,sina Maria
Blanca at Juan pa rin ang
ikinasal.
Nagsimula ang Ibong Adarna sa
pamamagitan ng pagbati at pagpuri kay
Birheng Maria. Sabi ng manunulat si Birheng
Maria ay nagbubukas sa kanya ng pag-iisip
para hindi siya magkaroon ng pagkakamali
sa kanyang sinusulat dahil siya ay mortal
lamang at ang katawan at isip niya ay
mahina. Ikinumpara niya ang kanyang sarili
sa isang bangkang naglalayag at nakarating
sa isang bahagi ng dagat kung saan hindi na
niya kayang maglayag pa. Humingi siya ng
gabay sa Inang Birheng para magkaroon ng
patutunguhan ang kanyang buhay. Ninais din
niya na sana ay pakinggan ng Birheng Maria
ang kanyang nilikhang korido.
Si Don Fernanado, ang hari ng
Berbanya, ay mabait at iginagalang ng
lahat, mahirap man o mayaman.
Mataas ang pagtingin sa kanya ng mga
hari sa ibang kaharian. Ang kanyang
asawa ay si Donya Valeriana. Siya ay
sobrang ganda at walang katulad sa
bait. Mayroon silang tatlong anak: Si
Don Pedro ang panganay, si Don Diego
ang pangalawa at si Don Juan naman
ang bunso.
Si Don Pedro ay may magandang tindig. Si
Don Diego naman ay may pagkamahiyain
at mahinahon magsalita. Si Don Juan
naman ay napakabait at sobrang
mapagmahal. Silang tatlo ay mahal na
mahal ng kanilang mga magulang. Isang
araw, itinanong ni Haring Fernando kung
ano ang gusto nilang maging pagdating ng
panahon. Pinapili sila kung gusto nilang
maging hari o maging pari. Lahat sila ay
nagnais na maging hari
kung kaya’t sila ay hinasa sa paggamit ng
armas.
Naging maganda ang Berbanya dahil
sa mabuting pamumuno ni haring
Fernando. Ngunit isang gabi ay
nagkaroon ng masamng panaginip
ang hari. Si Don Juan daw ay
napahamak at pinatay ng dalawang
tao. Matapos na mapatay si Don
Juan, ang katawan nito ay inihagis
sa isang balon. Nagising ang hari
dahil sa labis na kalungkutan.
Nagkasakit siya ng malubha at
naging mahina ang pangangatawan.
Walang makaalam kung ano ang
naging sakit ng hari maliban sa isang
manggagamot. Ang sakit daw ng hari
ay dahil sa kanyang masamang
panaginip. Ang tanging magiging
kagamutan ay ang awit ng Ibong
Adarna na nakatira sa Bundok Tabor.
Ito ay tumitigil sa Piedras Platas at
tumitigil lamang doon kung gabi.
Agad na inutusan ng hari si Don
Pedro na magpunta sa bundok at
kunin ang ibon.
Agad sinunod ni Don Pedro ang utos ng ama.
Sakay siya ng isang kabayo at naglakbay sa
loob ng tatlong buwan para marating ang
Bundok Tabor. Nakita niya ang isang
punongkahoy, ang Piedras Platas, na
kumikislap na parang diyamante. Mayabong
at bukod tangi ang mga dahon ng puno.
Nagpahinga siya sa ilalim ng puno kahit
walang mga ibon na dumadapo sa puno.
Noong nakatulog siya dumating na ang Ibong
Adarna. Umawit ang Ibon Adarna ng pitong
beses at nagbago ang balahibo ng pitong
beses. Dumumi ang ibon at napatakan si Don
Pedro at naging bato ito.
KAANGKUPAN NG PAKSA - 25
PAGGANAP - 15
DATING SA MANONOOD - 10

You might also like