You are on page 1of 10

Magkakabit na kutsilyo

Gamit ng barbero.
Sagot: GUNTING

Binili ni Ina
Isasabit lang pala.
Sagot: HIKAW

Isang butil na dilaw


Kinalatan buong bahay.
Sagot: ILAW
Bumubuka’y walang bibig
Ngumingiti nang tahimik.
Sagot: BULAKLAK

Dahong pinagbungahan
Bungang pinagdahunan.
Sagot: PINYA

Baong kinayuran
Lama’y kayamanan.
Sagot: ALKANSIYA
May ulo, walang tiyan,
May leeg walang baywang.
Sagot: BOTE

Pinilit na mabili
Saka ipinambigti.
Sagot: KURBATA

Isang malaking suman


Sandalan at himlayan.
Sagot: UNAN
Ako’y may kaibigan
Kasama ko saanman
Mapatubig ay di nalulunod
Mapaapoy ay di nasusunog.
Sagot: ANINO

Di naman isda, di naman itik


Nakahuhuni kung ibig
Maging sa kati, maging sa tubig
Ang huni’y nakabubuwisit.
Sagot: PALAKA
Hugis puso, kulay ginto
Mabango kung amuyin
Masarap kung kanin.
Sagot: MANGGA

May puno walang sanga


May dahon, walang bunga.
Sagot: SANDOK

Nakalantad kung gabi


Kung araw ay nakatabi.
Sagot: BANIG
Walang itak, walang kampit
Gumagawa ng bahay na ipit.
Sagot: GAGAMBA

Lumalakad walang paa


Lumuluha walang mata.
Sagot: PLUMA

Oo nga’t pagong
Tubig ay iniinom.
Sagot: NIYOG
.
Eto na si Kaka
May sunong na dampa.
Sagot: PAGONG

Dalawang bolang maitim


Malayo ang nararating.
Sagot: MATA

Nagtago si Pedro
Labas ang ulo.
Sagot: PAKO
Ang anak ay nakaupo na
Ang ina’y gumagapang pa.
Sagot: KALABASA

Gintong binalot sa pilak


Pilak na binalot sa balat.
Sagot: ITLOG

Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis.
Sagot: ALIMANGO
Puno’y layu-layo
Dulo’y tagpu-tagpo.
Sagot: BAHAY

Nakaluluto’y walang init,


Umaaso kahi’t malamig.
Sagot: YELO

Hindi tao, hindi ibon


Bumabalik kung itapon.
Sagot: YOYO

Dahon ay abaniko,
Bunga ay parasko
Perdegones ang mga buto.
Sagot: PAPAYA
Hindi tao, hindi hayop,
May tainga’t may buhok.
Sagot: MAIS
Ang dalawa’y tatlo na
Ang maitim ay puti na
Ang bakod ay lagas na.
Sagot: MATANDA

Pantas ka man at maalam,


Angkan ka ng mga paham
Turan mo kung ano.
Sagot: PLANTSA

Maitim na parang uwak


Maputing parang busilak,
Walang paa’y nakalalakad
At sa hari’y nakikipag-usap.
Sagot: LIHAM

You might also like